Ricky Reyes ordered to pay P600K to former employee with HIV in discrimination case

Inutusan ng korte ang hairstylist na si Ricky Reyes (kaliwa) na ibalik sa trabaho at magbayad ng danyos na humigit sa P600,000 sa dati nitong empleyado na si Renato Nocos (kanan). Nag-ugat ang sigalot ng magkabilang kampo nang tanggalin sa trabaho si Renato dahil sa pag-amin niya kay Ricky na mayroon siyang HIV infection.


Guilty sa salang diskriminasyon at hindi makatarungang pagtanggal sa trabaho ang kilalang hairstylist na si Ricky Reyes at ang isang tauhan nito.

Ito ay may kaugnayan sa diumano’y pagtanggal nila sa kanilang empleyadong si Renato Nocos dahil nalaman nilang nagkaroon ito ng human immunodeficiency virus o HIV.

Ayon sa desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC) na inilabas nitong nakaraaong linggo, inutusan nito ang kumpanya ni Ricky, ang Ricky Reyes Corporation, na ibalik sa trabaho si Renato at bayaran ito ng back wages, benefits, at attorney’s fees na umabot sa P615,313.

Nakatala sa desisyon ng NLRC na inanunsiyo ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) noong Sabado, February 6, na: “HIV illness is not highly contagious and it is not transmitted through touching, hugging, sneezing, coughing, eating or drinking common utensils or being around an infected person.

"Thus, the means by which they (Reyes et al) tried to protect their other employees and customers unduly trampled upon the rights of the complainant."

Sa sampung pahinang desisyon na pirmado ni Labor arbiter Joanne G. Hernandez-Lazo, sinabi nitong inilipat ni Ricky si Renato sa papasara nang branch ng kanyang beauty salon chain matapos malamang may sakit ang huli.

Noong nagsara ang nasabing branch, hindi na binigyan ng anumang assignment si Renato.

Tinanggal siya sa kanyang trabaho noong February 28, 2014, matapos niyang sabihin kina Ricky at sa business partner nitong si Tonneth Morena na mayroon siyang HIV infection.

Dahil dito, nagreklamo si Renato ng kasong discrimination, unlawful termination, non-payment of lawful wages and benefits laban kay Reyes at Moreno sa NLRC noong March 3, 2014.

Bukod pa rito, sinampahan din niya ng hiwalay na reklamo ang dalawa dahil sa hindi pagbabayad ng kanyang Social Security System (SSS) contributions at PhilHealth insurance premium.

Nagsimula siyang nagtrabaho sa kumpaya ni Ricky noong July 16, 2003.

Ayon kay Nocos, “There is now a good reason for me to strive harder and get my life back, confident that justice shall reign supreme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"On other hand, this victory is an encouragement for those HIV positive human beings like me who are fighting for respect and dignity.

"Deep in my heart, I’m praying for NLRC to dismiss any appeal. And I’m praying for enlightenment for my boss Mother Ricky.”

Sa statement na ipinadala ni Ricky noong July 1, 2015 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), mariin nitong pinabulaanan ang akusasyong diskriminasyon na isinampa ni Renato.

Read: Ricky Reyes Corporation denies firing employee due to HIV

Nagpadala na ng mensahe ang PEP sa kampo ni Ricky para sa maaari nilang pahayag tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN