Mark Herras gives his take on video scandals of fellow male celebrities

Mark Herras on doing daring scenes: "Siguro sexy, pero not to the point na parang X-rated siguro. Siguro depende dun sa role. Kung sakali, kung talagang magandang-maganda yung story, pero not to the point talaga siguro na parang sobrang… I can do sexy, pero…"


Hangga’t maaari ay ayaw magbigay ng pahayag ni Mark Herras tungkol sa sunud-sunod na pagkalat sa social media ng video scandal ng ilang male celebrities nitong mga nakalipas na linggo.

Ilan sa mga napabalitang mayroon diumanong video scandal ay sina Joross Gamboa, Kiko Estrada, Jason Abalos, at Mark Neumann.

Pahayag ni Mark tungkol dito, “Well, wala naman ako sa puwesto or sa lugar para magsalita for them…”

Maging si Mark ay napabalita rin noong mayroong video scandal.

Saad niya tungkol dito, “Well, di ba, napatunayan namin yun kasi nag-guest ako sa isang show sa GMA?

“And na-prove naman nila na it’s a picture na pinagdikit-dikit lang naman talaga.

“Ako naman kasi, I don’t… parang, lalaki naman… kasi lalaki naman, e, so…

“Siyempre, hindi ko sinasabi na gawin kasi lalaki.

“Pero, di ba, pag lalaki ka, medyo less siya pag-usapan or parang less negativity dun sa lalaki, di ba? So, okay naman.

“Marami lang talagang mga malokong tao.

“Hindi yung mga lalaki na nagkaroon ng ganung scandal or what, pero yung mga…

“Alam mo yun, kung sakali mang meron talaga silang kausap, siyempre sila yung maloko. Parang baliw!”

Iginiit ni Mark na hindi pa niya nasubukang makipag-cybersex at kahit mag-nude selfie.

“Mukha ko kinukunan ko ng selfie!” tawa niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa taping ng GMA primetime series na Little Nanay noong February 2 sa Fairmount Hills Subdivision.

DARING ROLE. May ilang nag-aabang kung magpapaka-daring si Mark sa isang pelikula o indie movie. Papayag ba siyang magpaseksi nang todo para sa isang pelikula?

Sagot ng StrStruck winner, “Siguro sexy, pero not to the point na parang X-rated siguro.

“Siguro depende dun sa role.

“Kung sakali, kung talagang magandang-maganda yung story, pero not to the point talaga siguro na parang sobrang…

“I can do sexy, pero…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya ba niya ang frontal nudity?

“Ha!” bulalas ni Mark.

Pumping scene?

“Parang iyon, puwede pa.

“Pero para magpakita ng ano [frontal nudity], lalo na may anak ako, parang ayoko.

“Ayoko naman na paglaki [ng anak ko], makita niya yung movie.

“Siyempre, di ba? Mahirap na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN