Iya Villania excited for '#Project2016' with hubby Drew Arellano

Iya Villania believes that couples who have individual careers have healthier relationship. She explains, "I think it's very important parang you still get to stay your own person."


“#Project2016”

Ito ang tawag ni Iya Villania sa plano nila ng asawa niyang si Drew Arellano na magkaroon na ng anak ngayong taon.

Katulad ng kanyang nakaraang interviews, consistent pa rin si Iya sa pagsasabing magkakaroon sila ng anak, “Anytime this year.”

Pero ayon sa Kapuso TV host-actress, hindi naman sila nagmamadali ni Drew.

“He just wants me to enjoy. He just wants me to pace myself,” sabi ni Iya nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa press conference ng Lip Sync Battle Philippines ngayong Martes, February 9.

Katuwiran pa niya, “Kapag nandiyan na ang baby, of course, I will be aware and be sensitive to my body.

“And kapag na-feel ko na delikado or hindi kaya, I'll say something.”

Handa na ba siyang maging ina?

Sagot ni Iya, “I don't think anyone's really ever ready, but I am excited.”

Sa ngayon, ini-enjoy lang daw muna nina Iya at Drew ang buhay mag-asawa.

“The adjusting period, na-enjoy namin.

“Of course, whether we like it or not, there's a different stress and there are different challenges in having a baby or having a child can bring.

“I think it allowed for us to enjoy our time together, to adjust living in together before we added that challenge of having a kid.

“I think it's further building our relationship as a couple.”

SUCCESSFUL CAREER. Nagpapasalamat naman si Iya dahil todo-suporta sa kanyang showbiz career si Drew.

Bukod sa pagiging color commentator ng Lip Sync Battle, host din siya ng “Chika Minute” segment ng 24 Oras. May weekly lifestyle show din siya sa GMA News TV na Taste Buddies at bahagi siya ng Kapuso primetime series na Because of You.

Ayon kay Iya, mainam sa mag-asawa ang pagkakaroon ng kani-kanilang career.

“I think it's very important, parang you still get to stay your own person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it's healthy that way. I mean, there's still so much time to revolve around each other.

“Lalo na it's still easy to do kapag wala pang family.

“Kapag may anak ka na, siyempre mag-iiba na ang priorities, e.

“As of now, hanggang kaya, I think go pa rin and Drew support din naman,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN