Dingdong Dantes confirms Maria Letizia's baptism this February

Dingdong Dantes on Maria Letizia's development: "Lahat, e, bawat minuto talaga may nakikita kaming pagbabago. Alam mo na wala ka dapat ma-miss. Kaya yung oras namin, nandiyan talaga para sa kanya. Lalung-lalo na si Marian, tutok na tutok at 100 percent nandiyan siya para sa baby namin."


Ngayong Pebrero na bibinyagan ang unang anak ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong ay tumanggi itong sabihin ang eksaktong petsa ng binyag ni Zia.

Nang tanungin naman kung sino ang mga kukunin nilang ninong at ninang ng bata, binanggit ng Kapuso Primetime King sina Gabby Eigenmann at Ai-Ai delas Alas.

Dapat nga sana ay noong December 30, 2015, unang anibersaryo ng kasal nina Dingdong at Marian, nila pabibinyagan si Zia ngunit hindi ito natuloy.

Naniniwala si Dingdong na dapat pagkapanganak ng bata ay binyagan agad, kaya kahit wala pang tatlong buwan si Zia, para sa aktor ay late na ito.

“Alam niyo, kapag Katoliko talaga, sinasabi na paglabas kung puwede talaga binyagan na.

“Kasi nasa kanya na ang blessing kung makisalamuha siya sa mga tao sa mundong ito.

“But more than anything, it's giving her the first gift of the grace of God.

“More than anything, it's that, and we want to give it to her as early as possible.”

Pero maliit at very intimate lang daw ang magaganap na binyagan.

“Yes, ang plano namin is maliit at very intimate na event kasama ang pamilya at ang mga godparents.”

DINGDONG LOOKALIKE. Sa mga bagong larawan ni Maria Letizia na ibinahagi nina Dingdong at Marian, marami ang nagkomento na tila mas kahawig na nito ang ama.

Ay sus ang anak ko... ??? love you! ?? #MariaLetizia

A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on

Bath time is fun time. ??? #MariaLetizia

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Pero natatawang pagkontra ni Dingdong, “Hindi, mas gusto kong kamukha ng nanay!

“Pero siyempre, hindi naman ako magugulat kung may nakuha sa amin ni Marian.

“But again, of course, mas prefer ko na kamukha ng nanay.

“Siyempre, whatever it is, kung ano ang ibigay ng Panginoon at kung ano ang hitsura na gusto Niyang piliin sa kanyang paglaki, e susuportahan namin, di ba?”

Tila ang bilis lumaki ni Zia, na mahigit dalawang buwan pa lamang. Anu-ano ang mga nakikita nilang nagagawa na ng anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dingdong, “Lahat, e, bawat minuto talaga may nakikita kaming pagbabago.

“Alam mo na wala ka dapat ma-miss.

“Kaya yung oras namin, nandiyan talaga para sa kanya.

“Lalung-lalo na si Marian, tutok na tutok at 100 percent nandiyan siya para sa baby namin.”

MARIAN’S RETURN. Kinumpirma rin ni Dingdong na malapit na ang pagbabalik ni Marian sa telebisyon.

May mga nasusulat ngang sa February 21 na raw mapapanood muli sa Sunday PinaSaya ang Kapuso Primetime Queen.

Paano ang magiging set-up nila kapag bumalik na si Marian sa trabaho?

Saad ni Dingdong, “Yun lang, we’re on the process of determining kung ano ang magiging sistema namin pagdating ng araw na yun.

“Siyempre hindi siya madali, but priority pa rin talaga namin ang bata.”

May yaya ba sila o sila talaga ang nag-aalaga sa anak?

“May mga tumutulong, pero masasabi ko na kami talaga ang nakatutok sa lahat ng bagay sa ngayon.”

SAVING FOR THE RIGHT TIME. Sa ngayon ay mangilan-ngilan pa lamang ang ibinabahagi nina Dingdong at Marian nga larawan ng anak sa social media mula nang isilang ito.

Choice ba talaga nila na pakonti-konti lang ang ibahaging larawan ng anak?

Sagot ni Dingdong, “Hindi naman, meron naman din.

“Minsan kasi maraming moment na gusto namin, sa amin lang din.

“Hindi naman namin pinaplano kung ano ang ipapakita at hindi.

“Siguro, nagkataon lang din na siguro kapag feel namin na gusto naming i-share.

“Kumbaga, reactional yun. Hindi yun ang unang priority na kailangan mong mag-share.

“Kung ano lang ang litrato for our own memory at sa panahon na yun kung feel namin na okey i-share, oo naman.

“Pero siyempre, tinatandaan din naman namin na paglaki niya, may sarili rin naman siyang opinyon kung gusto ba niyang ilabas ang picture niya o hindi.

“Hangga’t maaari, we're saving her that right.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala rin daw problema sa kanila na lumabas sa isang TV commercial si Maria Letizia.

Pahayag ni Dingdong, “Basta lang ang produkto, e, naniniwala kami.

“Pangalawa, alam namin na talagang magiging mabuti ang produktong yun sa mga babies out there and she will really advocate for it, why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN