Vic Sotto's ex-flame approves of Pauleen Luna as daughter's stepmom

Angela Luz to Pauleen Luna: "I know the situation is not easy, but I appreciate all the understanding you have shown... for allowing Vic and I to still be proud parents together. It means a lot to me and especially to my daughter." 


Sa kauna-unahang pagkakataon, personal nang nakilala ni Pauleen Luna ang ex-girlfriend ng mister niyang si Vic Sotto na si Angela Luz kagabi, February 9.

Sa Instagram post ni Angela ngayong araw, February 10, inihayag nito kung paano maging supportive wife si Pauleen kay Vic, lalo na pagdating sa relasyon ng comedian-TV host sa anak nito.

Si Angela ang ina ng bunsong anak ni Vic na si Paulina Sotto, na nagtapos sa Ateneo De Manila University noong 2015.

Sabi ni Angela sa kanyang IG post, “So we finally met.

“To Mrs. Sotto, @pauleenluna... thank you for your support… for being there for my daughter.

“I know the situation is not easy, but I appreciate all the understanding you have shown... for allowing Vic and I to still be proud parents together.

“It means a lot to me and especially to my daughter. Thank you!”

Sa comments thread ng naturang post, sumagot si Pauleen at sinabing kailanman ay hindi nito hahadlangan ang magandang relasyon ng mister sa anak nitong si Paulina.

Pahayag ni Pauleen, “Good morning! Thank you for being so warm last night.

“I will never get in the way when it comes to Paulina.

“I am as proud as you guys! It was a pleasure to meet your family. See you soon!”

ANGELA'S REPORTED DISAPPROVAL OF PAULEEN. Matatandaang naging tampulan ng espekulasyon ang diumano’y pagpapatutsada ni Angela kay Pauleen sa social media matapos ang isinagawang surprise birthday party para kay Vic noong 2014.

Nasundan ito ng mainit na palitan ng mga salita sa pagitan ni Angela at ilang netizens na suportado ang relasyong Vic at Pauleen.

Kinalaunan ay binura ni Angela ang kanyang Instagram post na puno ng negative feedback mula sa netizens.

Kaugnay nito, may ilang netizens ang naghayag ng kanilang pang-unawa kay Angela ngayong maayos na ang lahat sa pagitan nito at ng mag-asawang Vic at Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Angela sa comment ng isang netizen: “@wengrivero Just keep this in mind... hindi magkakaanak si Vic sa masama na tao.

“I'm just very honest. Walang masama dun. But I've never been a bitter person. Mali ang pagkabasa ninyo sa akin.”

Dagdag pa ni Angela, “And please know that I have nothing but good wishes for Mr. and Mrs. Sotto, and lovingly accept Pauleen as my daughter's stepmom.”

Maliban kay Paulina, may tatlo pang anak si Vic sa mga dati nitong karelasyon; sina Danica at Oyo Sotto mula sa kanyang unang asawa na si Dina Bonnevie at si Vico Sotto mula sa aktres na si Coney Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN