PEP EXCLUSIVE. Maine Mendoza still oblivious of her popularity

Hindi pa rin daw pumapasok sa isipan ni Maine Mendoza na isa na siya sa pinakasikat na artista sa bansa. Sabi niya, "Parang hindi ko siya naiisip, yung mga nangyayari sa akin. Yung mga ginagawa ko every day, parang feeling ko, normal girl pa rin ako, ganun."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagsi-sink in kay Maine Mendoza ang kasikatang tinatamasa niya.

Kahit na maituturing na siyang bagong "superstar" ng kasalukuyang panahon, hindi pa rin daw niya maramdamang sikat na sikat na siya.

Pahayag ng Dubsmash Queen, “Ay, honestly, hindi pa talaga.

“Kahit tanungin mo pa yung mga kasama ko, yung mga nakakasama ko araw-araw, hindi pa talaga.

“Parang hindi ko siya naiisip, yung mga nangyayari sa akin.

“Yung mga ginagawa ko every day, parang feeling ko, normal girl pa rin ako, ganun.”

Bukod sa araw-araw nilang paglabas ng ka-love team niyang si Alden Richards sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga, abala rin sila pareho sa kani-kanilang endorsements.

Katunayan, may lagpas 20 na ang iniendorso nilang produkto—magkasama man o solo.

Sinasabi pang si Maine na ngayon ang top celebrity endorser sa bansa.

Medyo gulat na tugon nito: “Ay, talaga ba? Parang hindi naman!

“Hindi naman... nagsunud-sunod lang ngayon.

“Parang… thankful naman ako kasi ang dami.

“Ayun nga, may mga sunud-sunod akong endorsements na dumadating and sana hindi ko sila na-disappoint.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine sa labas ng elevator ng Shangri-La Hotel, sa Makati City, kung saan ginanap ang GMA Thanksgiving Party para sa advertisers nitong Miyerkules ng gabi, February 10.

Nangyari ang panayam ng PEP sa dalaga bago pa man sila nagkita at nagkausap ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Read: Marian Rivera and Maine Mendoza meet for the first time

WHAT’S NEXT FOR ALDUB? Ano ang susunod na aabangan sa kanila ng AlDub Nation?

Ayon kay Maine, “Hopefully magkaroon kami ng movie this year. Pero hindi pa kasi siya nawu-work out talaga.

“Ayun, kasi hindi pa rin namin alam kung anong mangyayari pa sa AlDub.

“So, abangan na lang po natin sa Eat Bulaga.”

Ngayong nalalapit na ang Valentine's Day, paano kaya niya ito isi-celebrate?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Humahalakhak na sagot ni Maine, “Valentine's? Secret, secret!”

Ano ang mensahe niya sa mga tagasuporta nila ni Alden?

“Siyempre salamat.

“Hindi naman kami magsasawang magpasalamat ni Alden sa mga AlDub fans na laging sumusuporta sa amin at hindi nawawala tuwing kailangan namin sila.

“Maraming salamat at sana hindi kayo magsawang suportahan kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN