Kapuso stars Kiko Estrada and Jeric Gonzales react to their alleged video scandals

Parehong itinanggi nina Kiko Estrada (kaliwa) at Jeric Gonzales ang pagkakaroon diumano nila ng video scandals. Nitong mga nagdaang araw ay sunud-sunod na video scandals ng pinaghihinalaang celebrities ang kumalat sa internet.


Kabilang ang Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Kiko Estrada sa male celebrities na napapabalitang mayroong video scandal.

Magkahiwalay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jeric at Kiko sa ginanap na GMA Thanksgiving Party para sa advertisers sa Shangri-La Hotel, Makati City, kagabi, February 10.

Inusisa namin ang dalawa tungkol sa pagkakaroon diumano nila ng video scandal.

Pero tumangging magsalita si Jeric tungkol dito. May mga ginagawa na raw hakbang ang kanyang kampo laban sa mga nagkakalat ng paninira sa kanya.

Sa kabilang banda, tinawanan lang ni Kiko ang isyu.

Sabi niya sa exclusive interview ng PEP, “Actually, alam ko na ‘yan. Noong una tumawa ako.

"Hindi po ako yun like I’ve said before.”

Ngunit ayon sa mga nakapanood ng nasabing video, kamukhang-kamukha raw niya ang lalaki rito.

Sagot ni Kiko, “Maraming nagsasabi [na kamukha ko]... marami po akong kamukha, normal lang yung mukha ko, e, hindi naman ako ganun kapogi.”

Hindi ba talaga siya ang nasa video? Tugon ni Kiko, “Hindi po!”

Kaugnay pa rin ng video scandal, umamin sa PEP ang isa pang Kapuso star na si Martin del Rosario na siya nga ang nasa viral nude photo na kumalat nitong Lunes, February 8.

Read: FIRST READ ON PEP. Martin del Rosario admits viral nude photo scandal: 'Oo, ako 'yan.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN