Claudine Barretto avoids talking about Raymart Santiago to promote her teleserye

Claudine Barretto on being civil with estranged husband Raymart Santiago: "Ang malaking natutunan ko ay yung wala akong choice kundi ang magsuportahan sa lahat ng bagay. Kasi meron kaming dalawang anak na kailangang mapalaki nang tama."


Malaking bagay raw kay Claudine Barretto na tahimik ang kanyang personal na buhay ngayon matapos dumaan sa sangkaterbang problema.

Naka-focus siya ngayon sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, via TV5's Bakit Manipis Ang Ulap, kaya maging ang tungkol sa kanila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago ay ayaw niyang isali sa usapin.

Pahayag ni Claudine, “Yeah, malaking bagay.

“Mahirap naman kasi, like we’re promoting Bakit Manipis Ang Ulap, and I don't want people to think, and maging si Raymart, na ginagamit siya.

“I rather be just quiet about it, and let’s talk about it na lang in a nicer and better venue or better place na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine sa special screening ng Bakit Manipis Ang Ulap?,  sa Cinema 2 ng SM Aura, Taguig City, noong February 10.

Malaki raw ang natutunan niya sa magandang pangyayaring ito sa kanyang buhay.

Saad ni Claudine, “Ang malaking natutunan ko ay yung wala akong choice kundi ang magsuportahan sa lahat ng bagay.

“Kasi meron kaming dalawang anak na kailangang mapalaki nang tama.”

Masarap daw ang pakiramdam niya ngayong wala siyang gaanong bagahe na dinadala.

Aniya, “Wala nang masyado. I'm a happy mom.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN