Mel Tiangco rejects offers to run for public office

Mel Tiangco commends people who enter politics, but it's not for her. She explains, "Kumpleto na ako where I am... as far as my duties, responsibilities... nakakatulong naman ako. Ang fulfillment ko, e, overwhelming, bakit ko pa guguluhin yung buhay ko, e, maayos naman?"



“Hindi, never.”

Ito ang mabilis na tugon ng batikang brodkaster na si  Mel Tiangco nang tanunging kung naisipan ba niyang pasukin ang mundo ng pulitika.

Bukod kasi sa exposure niya sa news and public affairs sa telebisyon, malapit siya sa mga taong nangangailangan bilang executive vice president at chief operations officer ng GMA Kapuso Foundation

May mga tinanggihan na nga raw siyang mga alok na kumandidato, “Marami!”

“Ang isinasagot ko, ang aking public service ay nagagawa ko naman nang hindi kailangan akong pumasok sa pulitika.

“Katunayan, ang tingin ko e mas madali pa nga akong nakapaglilingkod sa mga kababayan natin in my way.

“Kasi madali, walang mga red tape, walang ano... sugod agad.

“Pag may problema, sugod dito, sugod doon.

“Although, of course, I respect those who enter politics and who feel that that is their venue para makatulong sa kapwa.

“Pero hindi para sa akin… parang kasi kumpleto na ako where I am, e.

“I’m complete where I am as far as my duties, responsibilities, to my people are concerned.

“Nagagampanan ko naman, nakakatulong naman ako.

“Ang fulfillment ko, e, overwhelming, bakit ko pa guguluhin yung buhay ko, e, maayos naman?

“Maganda naman at naisasakatuparan ko naman yung mga gusto kong gawin sa buhay in this manner.

“Mabuti pa nga yun malayo ako sa temptasyon, malayo ka sa gulo, malayo ka sa intriga.

“Malayo ka, pero nakakatulong ka rin at the same time.”

LIFE STORY. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mel nitong Huwebes, February 11, sa launch ng One Heart, ang all-star charity album ng GMA Records.

Dumalo ang 24 Oras anchor sa event at nagpasalamat dahil parte ng kikitain ng naturang album ay mapupunta sa GMA Kapuso Foundation.

Pahayag niya, “Ang GMA Kapuso Foundation ay taus-pusong nagpapasalamat, una muna sa GMA Artist Center.

“At siyempre sa GMA Records para sa napakagandang handog ngayong Valentine’s Day.

“Ang part po ng proceeds ng One Heart ay mapupunta sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation.

“Maraming-maraming salamat, at lalo na dun sa mga artists natin na naghandog din ng kanilang talent.

“Thank you very, very much.”   

LIFE STORY. Maliban sa 24 Oras, si Mel ay host din ng drama anthology na Magpakailanman na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

May mga nag-aabang na ang buhay naman niya ang maipalabas sa kanyang programa. Papayag ba siya kung sakali?

Sagot niya, “Oo, siguro. Why not?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang pipiliin niyang aktres para gumanap bilang Mel Tiangco?

“Teka, ha... mag-iisip tayo, ha, siyempre kailangan maganda siya.”

Si Marian Rivera?

“Ay, sobrang ganda nun! Masyadong maganda yun!

“Hindi bagay, baka sabihin ng mga tao, ‘Kapal mo, ha?’” tawa ni Mel.

Si Jennylyn Mercado?

“Hindi yata bagay, ‘no?”

Si Heart Evangelista?

“Siyempre, inaanak ko yun, gusto ko rin yun, pero sobra ding ganda nun, e… parang hindi bagay.”

Pero si Jennylyn ay tila nababagay sa role, kung sakali.

“Jennylyn? O, di sige, kung gusto mo!” ang tumatawang komento ni Mel sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN