Sen. Tito Sotto supports daughter Ciara's decision to leave husband Jojo Oconer

Hindi pa raw alam ni Senator Toto Sotto kung naghain na ng legal separation complaint ang anak na si Ciara Sotto laban sa mister nitong si Jojo Oconer. Pero masaya raw silang sa bahay na nila nakatira si Ciara dahil araw-araw na nilang nakakapiling ang kanilang apo rito.


Mula nang lisanin ni Ciara Sotto ang tahanan nila ng asawang si Jojo Oconer, sa bahay na ng kanyang mga magulang na sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa tumutuloy ngayon ang aktres kasama ang kanyang isang taong gulang na anak.

Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainement Portal) si Tito sa ginanap na GMA Thanksgiving Party para sa advertisers noong Miyerkules, February 10. Dito ay kinumusta namin sa kanya si Ciara.

Saad ng TV host-politician, “A, okay naman, ayos naman. Andun siya sa amin.

“Masayang-masaya naman. Enjoy sila, lalo na si Helen [Gamboa, Tito's wife], enjoy na enjoy siya sa apo niya.”

Noong January 15, ginulat ni Ciara ang marami nang inanunsiyo nito sa kanyang Instagram na umalis na siya sa bahay nila ng asawang si Jojo.

Third party daw ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Nagulat ba sila sa pakikipaghiwalay ni Ciara sa mister nito?

Sabi ng Eat Bulaga host, “Hindi naman.

“Every now and then, may mga nababanggit kasi… na ikinuwento nung mga anak namin, na siyempre hindi naman maiiwasan yung hindi pagkakaunawaan, so we expected na may mangyayaring ganyan.

“Inihanda namin ang sarili namin sa lahat ng maaaring mangyari. Okey lang.”

Ayon pa sa senador, suportado nila ang naging desisyon ng anak.

“Siyempre kung saan siya maligaya, doon kami.

"Kung mahihirapan lang ang loob niya, ika nga, she should move on.”

Hindi pa raw alam ni Tito kung nakapag-file na si Ciara ng legal separation laban sa mister nito.

HAPPY FOR VIC. Sa kabilang banda, masaya raw si Tito para sa kanyang bunsong kapatid na si Vic Sotto dahil sa wakas ay ikinasal na ito kay Pauleen Luna.

Sabi niya, “Kung saan siya masaya, doon kami.

“Kasi naisip din namin… napakatagal na panahon na umuuwi siya ng bahay na mag-isa siya, wala siyang kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ngayon, meron na siyang inuuwian, kaya masaya kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN