Rita Daniela clarifies past issue with Donita Rose

Rita Daniela points to what she calls her "bitch-face" as the cause of the perceived tiff between her and Donita Rose: "Itaas ko lang yung [kilay], mag-ganyan lang ako feeling nila, may tinatarayan na ako. May expression akong ganyan, akala nila nagmamaldita ako, pero wala talaga."


Bagamat matagal nang natapos ang teleseryeng pinagsamahan nila, ang Let The Love Begin, ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang kontrobersiyang kinasangkutan nina Rita Daniela at Donita Rose.

Matatandaang pumutok ang isyu noon na pinagtawanan at sinimangutan diumano ni Rita si Donita nang magkamali ang huli sa isang eksena nila.

Sa latest interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rita ay muling naungkat ang isyung ito.

“Naku, eto na, babalikan na naman natin,” ang tila paiwas na reaksiyon ng actress-singer nung simula.

Pero pagkatapos ng ilang sandali ay pumayag na rin si Rita na magsalita, ngunit pakiusap niya,  “Last na ito, beh, huwag na nating balikan, ha?”

Tumawa at sumimangot nga ba siya nang magkamali si Donita sa kanilang eksena?

“Hindi naman po sa pinagtawanan... paano po ba?”

May nagsasabing "mukhang nabuwisit" daw si Rita sa pagkakamali ni Donita.

Pero mariing tanggi ni Rita, “Grabe! Hindi po, hindi!

“Kasi alam ko naman na lahat naman puwedeng magkamali.

“Baka nakita lang niya na ganun, alam mo naman ang mukha ko, bitch-face talaga, e.

“Yung kahit hindi ako magsalita, itaas ko lang yung [kilay], magganyan lang ako, feeling nila may tinatarayan na ako.

“Pero yung time na yun, naaalala ko iyon talaga yung time na namumrublema ako sa time management.

“Iyon yung time na iniisip ko yung pag-aaral ko… kailan ako magre-review, anong gagawin ko sa isang subject ko kasi ang dami kong kinukuha, e.”

Dagdag pa ni Rita, “Nasa trabaho kami, and kahit naman sabihin mong expert na siya sa ganyan, nagkakamali pa rin siya.

“Kaya nga we do rehearsals, e, para pag may mali, we can make it right.”

Mukha nga raw kasing mataray at suplada si Rita.

Aniya, “Iyon nga, kaya minsan may expression akong ganyan, akala nila nagmamaldita ako, pero wala talaga, .

“Ganun lang talaga ako.

“That’s why, sabi ko nga, mas naging open kami ni Direk Gina  [Alajar, direktor ng Let The Love Begin] sa isa’t isa.

“Kasi sinabi rin niya, ‘Alam niyo, ganun din ako, e, kasi matalas ako tumingin.’

“So minsan, meron akong expression na ganito-ganyan, akala ng iba ayoko sila or nagtataray ako, nagsisimangot ako, hindi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEEDS TO MATURE. Sinang-ayunan naman ni Rita ang naging pahayag noon ni Donita na kailangan pa niyang mag-mature.

“Tama naman, tama naman yun, talagang nung time na yun sa Let the Love [Begin], talagang hard time ko yun.

“Kasi, iyon yung time na talagang pinagsasabay ko yung pag-aaral ko and yung taping.

“Ngayon kasi nakuha ko na yung scholarship, e. I got this scholarship in CSB [College of St. Benilde].

“So, iyon yung time na kinukuha ko, mine-maintain ko yung grades.

“Siyempre, mahirap yung part na napupuyat ka, pero alam mo… marami kang kailangang tapusin sa school.

“So, tama naman yun. And yung maturity na sinasabi ni Miss, I agree.”
 
Patuloy niya, “Every day kasi we learn, e, so marami akong natutunan sa show na yun, sobrang dami!

“From Direk Gina, kina Miss Donita, kina Tita Gladys [Reyes] and kay Kuya Gardo [Versoza], ganyan.

“Pero mostly kay direk Gina talaga... I think mas medyo naging close kami ni Direk Gina, mas naging open kami sa isa’t isa.

“Sobrang dami kong natutunan sa kanya, not just about being an actress, but also being me.”

DEFENDING HERSELF. Samantala, nag-react si Rita sa naging pahayag noon ni Donita sa PEP na hanggang sa huling sandali ay hindi niya tinigilan ang nakababatang co-star.

Sabi ni Donita, “Pag ini-snob ako, babatiin ko pa rin. Pag may sumpong, ngingitian ko pa rin siya.”

Tila gulat na reaction ni Rita: “Ay! Last day, talaga ba? Oh, my God!”

Hindi nga ba niya man lang nginitian si Donita?

Tanggi niya, “Hoy, mars, hindi! Kasi nung last day namin, naalala ko, nag-usap-usap pa kami nun.

“Nakapag-usap pa kaming lahat nun kasi bilang last day na.”

Nakapag-usap ba sila ni Donita noong last taping day nila?

“Oo naman!” bulalas ni Rita.

“So, siyempre, sa amin na lang yun kung ano yung mga napag-usapan namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Donita, sinabihan niya si Rita na handa siyang makinig kung kailangan nito ng kausap. Pero hindi raw sumagot si Rita.

Pero paglilinaw ni Rita, “No, as far as I remember, nag-usap kami, kaming dalawa lang niyan.

“Talagang pinag-usapan namin… and then sabi ko, ‘Oo naman po.’

“Sabi ko nga na, ‘Thank you kasi naa-appreciate ko yung offer mo, na after ng ganito na nangyari, you’re still willing to help me.’

“Pero sa akin kasi, I think okay na yun, tapos na siya.

“So, ako din, nahihiya din ako, e.

“Kumbaga, parang ayoko nang isiksik yung sarili ko sa buhay niya.

“Natapos na yung show, naging okay kami; natapos na yung isyu, naging okay kami.

“I think that’s enough. I’m not being showbiz na ayoko siyang isama sa buhay ko, hindi po.

“Kasi, parang i-leave na natin siya nang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN