La Diva member Maricris Garcia is engaged to non-showbiz boyfriend

Maricris Garcia on settling down: "Ready na kami to get married. Nasa tamang edad naman na ako to get married. I'm already 28 years old. Sa aming magkakapatid, ako na lang ang walang asawa."


Ikakasal na ang Kapuso singer na si Maricris Garcia sa kanyang fiancé na si TJ Cruz.

Nag-propose kay Maricris ang kanyang non-showbiz boyfriend noong January 25 habang nagbabakasyon sila sa Baguio City.

Ayon sa Pinoy Pop Superstar Season 3 champion at dating miyembro ng La Diva, nagulat siya nang biglang mag-propose ang boyfriend noong bisperas ng kanilang anniversary bilang magkasintahan.

Kuwento niya, “Ang anniversary namin talaga ay January 26.

“We usually celebrate it sa beach. Pero this year, since it’s our fourth anniversary na, naisip naming umakyat ng Baguio para maiba lang.

“So, noong gabi ng January 25, as I was preparing dinner, bumaba siya from the room na nakapambahay lang.

“Una niyang inabot ang flowers tapos biglang may dinukot siya sa likod niya.

“Iyon na nga ang engagement ring.

“Hindi na nga niya natanong ang ‘Will you marry me?’ Basta isinuot na lang niya yung ring and I said ‘Yes!’ right away.”

Handa naman na raw sina Maricris at TJ na pasukin ang buhay-may asawa.

Saad ni Maricris, “Ready na kami to get married.

“Nasa tamang edad naman na ako to get married. I’m already 28 years old.

“Sa aming magkakapatid, ako na lang ang walang asawa.

“All my siblings are already married at ang dami ko nang pamangkin sa kanila.

“Kaya ako na lang ang kasama ng parents ko sa bahay.”

Patuloy niya, “Noong nalaman nga nila na engaged na ako, medyo nalungkot ang mommy ko kasi aalis na rin daw ako sa bahay.

“Ako kasi ang bunso, e.

“Biniro ko naman si mommy na, ‘Gusto mo dito na lang kami tumira?’

“Doon natawa si Mommy at happy naman siyang nahanap ko na ang lalaki na para sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricris sa launching ng One Heart charity album ng GMA Records noong Huwebes, February 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE DATE. Sa ngayon ay nagsisimula na ang wedding preparations nina Maricris at TJ.

Ayon kay Maricris, “Hindi pa kami makapag-decide kung this December or January 2017.

“Marami kasing ikinakasal sa mga buwan na ‘yan at mahirap makahanap ng church at venue.

“Pero mas preferred ko ang January sana para tama rin sa fifth anniversary namin.

“May kinakausap naman na kami in regards sa church and venue ng reception.

“Hopefully, available sila sa date na gusto namin ni TJ.

“Gusto rin kasi namin somewhere sa Tagaytay.”

Kulay yellow at rustic daw ang motif ng kanilang wedding.

“Simple lang yung gusto namin. More on lace and burlaps.

“Medyo bohemian ang dating. Basta cool lang ang dating.”

Ang wedding gown naman ni Maricris ay gagawin ng designer na si Cocoy Lizaso.

Sabi ng singer, “Una kong naisip si Cocoy kasi malapit lang ang bahay niya sa amin. Tapos nakita ko ang mga gawa niya.

“Siya ang gumawa ng wedding gown ni Ate Kyla, tapos ginagawan din niya ng mga damit si Ate Reg [Regine Velasquez-Alcasid].

“Noong kinausap ko siya at ginawan niya ako ng sketch, nagustuhan ko kaya siya na ang napili ko.

“Simple lang naman ang design ng gown.

“Meron siyang mga lace at mermaid style sa baba. Pang-beauty queen ang dating!” tawa niya.

MAID OF HONOR. Kinasabwat daw ng mapapangasawa ni Maricris ang kaibigan at kasamahan nito sa grupong La Diva na si Aicelle Santos sa pagpili ng wedding ring.

Galing kay Aicelle ang ring size ni Maricris.

Kuwento ni Maricris, “Noong tinawagan ko siya, nalaman ko nga na kasabwat siya ni TJ.

“All the while, alam na ni Aicelle na magpo-propose si TJ at naging quiet lang siya.

“Nag-sorry nga ako kay Aicelle kasi hindi ko na siya nahintay na maunang magpakasal.

“May usapan kasi kami na mas mauuna siyang mag-asawa since mas matanda siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaso, wala naman siyang boyfriend. 

“Marami kaming inirereto sa kanya, pero masyado siyang dedicated sa trabaho niya.

“Sana matagpuan na ni Aicelle si Mr. Right para siya na ang susunod na magpakasal.

“Binibiro nga siya na baka sa kalsada niya makita ang magiging boyfriend niya since siya ang Traffic Diva!” sabay tawa ni Maricris, bilang pagtukoy sa segment ni Aicelle sa Eat Bulaga.

WEDDING ENTOURAGE. Si Aicelle daw ang magiging Maid of Honor ni Maricris, habang isa sa bridesmaids niya ang kapwa nila singer na si Frencheska Farr.

Sabi ni Maricris, “Sila pa lang ang puwede kong mabanggit sa wedding entourage namin kasi binubuo pa namin.

“Nakaka-stress pala ang mag-prepare ng wedding.

“Mabuti na lang at kasama ko si TJ at ang mommy niya na nakikipag-usap sa mga suppliers.

“Mahirap pero masaya, kasi yung mga gusto namin ni TJ ang nasusunod.

“Mabuti na lang at wala akong teleserye at puro mga shows lang ang ginagawa ko.

“May nakalaan akong time to meet these people na mag-aasikaso ng wedding namin.”

Huling napanood si Maricris sa primetime series na Marimar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN