Widow of Tropical Depression's Papadom found dead

Natagpuang patay ang misis ng yumaong reggae artist na si Dominic "Papadom" Gamboa ng bandang Tropical Depression na si Teng Santoromana Gamboa dahil sa hihinalang kaso ng robbery-murder.


Natagpuang patay ang misis ng yumaong reggae artist na si Dominic “Papadom” Gamboa ng bandang Tropical Depression dahil sa hihinalang kaso ng robbery-murder.

Ayon sa police report, natagpuan ang bangkay ni Teng Santoromana Gamboa sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, sa Makati City, noong madaling-araw ng Miyerkules, February 10.

Si Teng ay nagtatrabaho sa isang business processing outsourcing company o call center na Total Network Research and Marketing sa Legaspi Village, Makati City.

Huli siyang nakita noong mag-log out siya ng 2:20 A.M. ng Miyerkules.

Noong hindi umuwi at hindi sumasagot sa kanyang cell phone si Teng, ini-report na ng kanyang mga kaanak na nawawala ito.

Laking-gulat na lang ng pamilya ni Teng nang iparating sa kanilang patay na ito.

Hanggang ngayon ay wala pang tiyak na kasagutan ang mga imbestigador sa dahilan ng pagkamatay ni Teng.

Hinala nila ay biktima ito ng holdup.

Ilang kaso na raw tulad ng kay Teng ang nangyayari sa Makati at wala pa ring maiturong mga suspek.

Ayon sa sister-in-law ni Teng na si Daphne Gamboa-Gorman, “We will provide more details as soon as the family is ready, as we will need the public’s help in identifying those who are responsible.”

Nagpasalamat naman ang kapatid ni Teng na si Sunny Santoromana Graham, via Facebook, sa mga taong nagpaabot ng kanilang pakikiramay.

“We thank everyone who sent encouraging, positive vibes and prayers over the past couple of days, and continue to offer words of comfort and concern especially for the young sons she loved so much. They really need all our love and support at this difficult time.”

Si Teng, 49, widow ang tumayong manager ng bandang Tropical Depression noong namamayagpag ito sa music scene noong dekada ’90.

Sumakabilang-buhay si Papadom noong 2013 dahil sa kidney failure.

Mayroon silang dalawang anak na lalaki, sina Nico at Simon.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN