Angel Locsin calls Luis Manzano her "ex" on IG

"Kung nag mahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasappagibig," writes  Angel Locsin on the caption of Luis Manzano's video that she shared on her Instagram account.


Tuluyan na bang naputol ang relasyon ng magkasintahang Angel Locsin at Luis Manzano?

Ito ang katanungan ng fans at followers ng Everything About Her actress matapos siyang mag-post sa Instagram ng video ni Luis habang kumakanta ng “Love Yourself” ni Justin Bieber, ngayong Biyernes ng gabi, February 12.

Sa caption, kapansin-pansin din ang pagtawag ni Angel kay Luis bilang “ex” at ang paggamit niya ng #mabuhayangtangasappagibig.

“on the eve of my neck procedure, I saw my singing ex singing “love yourself” sa ig. Kung nag mahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasappagibig.

Si Angel ay kasalukuyang nasa Singapore kung saan sasailalim siya sa ikalawang surgery para sa kanyang injury sa likuran.

Dahil sa post na ito ng Kapamilya actress, ilang followers ang nagsabing maaaring na-hack ang Instagram account ni Angel o di kaya'y ang post niyang ito ay isang biro lamang:

Kaugnay nito, may ilan ding nakapansing in-unfollow na ni Luis si Angel sa Instagram.

Pero isang follower ang nagkomento na baka ito ay dahil na-hack ang account ni Angel.

Sa kabila ng pag-amin nina Angel at Luis na “may pinagdadaanan” sila at sa bagong post na ito ng aktres, may ilan pa ring umaasa na sila pa rin ang magkatuluyan sa huli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN