Comelec holds nationwide mock elections

Comelec Chairman Andres Bautista opens the mock elections at H. Atienza Elementary School in Malate, Manila, earlier today, February 13.


Kasalukuyang isinasagawa ng Commission on Elections (Comelec) ang simula ng nationwide mock elections sa 21 lugar sa bansa para sa nalalapit na 2016 elections.

Kabilang dito ang Appari, Tuguegarao, Alaminos, Quezon City first district, Dagupan City, Pateros, Taguig City, Manila City fifth district, Sorsogon City, Kalibo, Matnog, Malay, Cebu City first district, Malay, Santander, Dipolog, Surallah, Sindangan, Sulu, General Santos City, at Basilan.

Pinangunahan ni Comelec Chairman Andres Bautista ang pagsagawa ng mock elections sa H.J. Elementary School sa Malate, Manila.

Makikita rin ang proseso ng pagboto ng botante—pag-fill up ng balota ng mga botante at pag-verify ng mga ito sa pamamagitan ng vote count machines (VCMs).

Mismong opisyales ng Election Board of Inspectors ang namumuno sa mga mga naitalagang lugar para sa naturang mock elections.

Nagsimula ang nationwide mock elections kaninang 7 a.m. at magtatapos 5 p.m. ngayong Sabado, February 13.

Kamakailan lang ay inalmahan ng ilang presidential candidates ang napabalitang delay at technical glitches sa ilang Precinct Count Optical Scan (PCOS)  machines.

Gayunpaman, layunin ng Comelec na makakatulong ang pagsagawa ng nationwide mock elections bilang paghahanda sa nakatakdang May 9 nationwide elections.

Inaasahang mahigit 25,000 botante ang lalahok sa nationwide mock elections ngayong araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN