Kris TV to go off air after almost five years

Kris TV to go off air after almost five years in the morning timeslot of Kapamilya network. In her February 9 blog, Kris Aquino's admission alluded to going through "professional issues and contract negotiations."


Pagkatapos ng halos limang taon, nakatakdang magtapos sa ere ang ABS-CBN morning talk show na Kris TV.

Base ito sa nakalap na impormasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang mapagkakatiwalaang sources.

Gayunpaman, magkakaroon ang tinaguriang "Kapamilya Queen of All Media" ng panibagong programa na may ibang format kasama ang isa pang TV host.

Isa sa mga pinaniniwalaang bagong makakatambal ni Kris sa kanyang bagong talk show ay ang ABS-CBN broadcast journalist na si Anthony "Ka Tunying" Taberna.

Walang nabanggit kung kailan ang eksaktong petsa ng pagkawala sa ere ng Kris TV.

Nagsimulang umere ang naturang morning show sa Kapamilya network noong June 27, 2011. 

Sa ngayon, mayroong teaser ang Kris TV para sa kanilang episode sa Lunes, February 15, kung saan kabilang sa celebrity guests ang newly-engaged couple na sina Isabelle Daza at Adrien Semblat.

PROFESSIONAL ISSUES, CONTRACT NEGOTIATIONS? Matatandaang halos dalawang linggo na panay replay ang pinalabas na episodes sa Kris TV kamakailan.

Kasabay nito ay biglang huminto si Kris sa pagbabahagi ng Instagram posts, mula nang makabalik siya mula sa kanyang Bangkok trip para sa isang commercial shoot.

Noong February 9, inamin ni Kris na sadyang nanahimik siya sa social media dahil sa pinagdadaanang “professional issues” kaugnay ng kanyang morning show.

Sabi ni Kris sa kanyang personal blog, “I purposely stayed away from social media (and yes, Kris TV went on Best Of for 8 episodes) because there were professional issues we needed to resolve, and Thank You, Lord—natuto na ko that by being outspoken and sharing details with all of you, mas hahaba ang proseso at mas malabong maayos sa mahinahon at mature na paraan.”

Bukod sa pagbabahagi ng ilang sentimyento tungkol sa kanyang personal na buhay, nabanggit din ni Kris na hindi biro ang negosasyon at pagsasaayos ng kanyang kontrata bilang TV host ng Kapamilya network.

Paliwanag ng aktre-TV host, “Viewers see the finished product, but you aren’t privy to the negotiations that go on behind the scenes for our contracts, most especially the minutest details in those agreements and the back and forth that is needed for all parties to feel they are benefiting from the union.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is a job, it is a profession, it is a business- but it is unique in that all of you our viewers are stakeholders.”

KRIS’S MESSAGE TO FANS. Sa huli, humingi ng paumanhin si Kris sa mga manonood dahil sa pansamantalang pagkawala ng bagong episodes ng Kris TV.

Sabi ni Kris, “Allow me this moment to apologize to you, the Kris TV regular viewers, the TFC subscribers, the consumers who patronize my endorsements, and my IG followers for taking a leave with no explanation…

“Sana maintindihan ninyo na kung nagpaliwanag ako, nabigyan ko na naman ng bala yung haters na batuhin ako dahil sa tingin nila papansin, pa-awa, o pa-importante ako.

“I am back, but I am just a bit different, slightly altered, and hopefully improved.”

Read: Kris Aquino is back after settling professional issues


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN