AlDub goes out on a Valentine date in Tagaytay

After a road trip, Alden Richards and Yaya Dub head to a Tagaytay to spend their Valentine date.


Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, muli na namang nagpakilig sa mga manonood ang AlDub (Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza) sa episode ng “Kalyeserye” ng Eat Bulaga nitong Sabado, February 13.

Nagsimula ang date ng AlDub sa pamamagitan ng road trip, kung saan makikita si Alden na nagmamaneho katabi sa passenger's seat si Yaya Dub.

Sinorpresa ni Alden ang kanyang ka-date at dinala sa may overlooking area ng Taal Vista Hotel kung saan may outdoor table-for-two set-up.

Highlight ng nasabing Valentine date ang isinulat na tula ni Yaya Dub para kay Alden.

Binasa ni Divina o Yaya Dub sa harap ni Alden ang nasabing tula na nagkukwento sa hindi inaasahang pagdating sa buhay niya si Alden at inaming may nararamdaman na siya para sa binata at gustong malaman kung ano ang nasa puso ni Alden.

Dahil sa matapat na pagbasa ng tula ni Yaya Dub, nagpahayag si Lola Nidora kung “acting-an pa ba o totohanan na” ang nangyayari kina Alden at Yaya Dub.

Marami ang kinilig nang muntik pang halikan ni Alden ang kanyang ka-date sa labi.

Samantala sa kani-kaniyang social media accounts, nag-post sina Alden at Maine ng larawan mula sa kanilang “date.”

Two is better than one...

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN