Maine Mendoza to Alden Richards: "Nais kong malaman ang tunay kong halaga sa 'yo."

In her poem for Alden Richards, Maine Mendoza playing as Divina or Yaya Dub reveals her feelings for Alden and asks him what is her worth to him. Her expression sounds and looks so genuine, this gets everyone asking: is this still just an act?


Aktingan pa ba o totohanan na?

Ito ang naging tanong nina Wally Bayola (as Lola Nidora) at Allan K kina Alden Richards at Divina/Yaya Dub (Maine Mendoza) sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! nitong bisperas ng Araw ng mga Puso, February 13.

Ito ay matapos basahin ni Divina ang kanyang tula para kay Alden, sa maagang pagdiriwang nila ng Valentine's Day.

Bago basahin ni Divina ang kanyang ginawang tula para kay Alden, nagpahaging si Maine na siya ang talagang sumulat ng tula at totoo ang nilalaman nito.

“Kagabi ko lang ito ginawa. Totoo 'to ha,” bungad ng dalaga.

“Tulad nga ng sinabi ko sa 'yo noon, di ko naman inaakala na magkakakilala tayo.

“Nakita lang naman kita sa split-screen. Sino ba naman ang mag-aakala na mangyayari sa atin 'to?”

THE POEM. Sa tula ni Divina, ikinuwento niya ang unti-unting pagkahulog ng loob niya kay Alden.

Sa tula, ibinuhos ng dalaga ang kanyang damdamin, ang kanyang pagkatakot na mahulog ang loob kay Alden, at kung ganito rin ba ang nararamdaman ng binata para sa kanya.

Sa tono ng tula, tila inaamin na ni Divina/Maine ang kanyang pagmamahal kay Alden.

Pero nagtatanong siya: ganito rin ba ang nararamdaman para sa kanya ni Alden?

Narito ang kabuuan ng tula:

Sino ka nga ba?

At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?

Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?

Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?

Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili

Madalas nga ay hindi ako mapakali

Sa dami ng bumabagabag sa aking isip

May mga oras na sumasakit na ang aking dibdib

Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat

Humanap daw ako ng iibig sa akin nang sapat

Kaya dapat daw akong maging maingat

Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang karapat-dapat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaamin kong ako'y takot mahulog sa isang tulad mo

Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko

Pero ano nga ba ang magagawa ko

Tila ang loob ko'y unti-unting nahuhulog sa 'yo

Tinatanong ko ang aking sarili kung ikaw ba'y aking gusto

Ngunit ang isip ko'y nagsimulang magtalo

Maaaring hindi ang bulong ng isipan ko

Pero narararamdaman ko na sigaw ng puso ko ay oo

May mga oras na isip ko'y gulung-gulo

Sapagkat hindi ko na malaman alin ba ang totoo

Hindi ko kailanman pinlano na magkagusto sa ;yo

Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko

Alam mo ba na mahirap kang basahin

Kaya tila bang kay hirap mong mahalin

Sa takot na hindi mo ko kayang saluhin

Ayos lang basta kailanman wag mo akong lolokohin

Ninanais kong malaman ang tunay na nilalaman ng puso mo

At magbakasakali kung pangalan ko ba ang sinisigaw nito

Nais kong malaman ang tunay kong halaga sa 'yo

Pero ako ay natatakot na malaman ang totoo

Tila sa puso ko'y ikaw lang ang tanging nakikita

Dapat na bang aminin aking sinta?

Tama bang sabihin sa iyo?

Tamang panahon na lang ang hinihintay ng puso ko


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN