Irma Adlawan, teenage son foil robbery attempt at their Cavite home

Irma Adlawan's teenage son, with the help of his mom, foiled a robbery attempt at their home in Kawit, Cavite last Friday night, February 12. The suspect was admittedly a member of the Tropang Noveleta gang.

 


Sa kanyang Facebook account, ikinuwento ni Mara Paulina Marasigan, anak ng character actress na si Irma Adlawan, ang nangyaring panloloob sa kanilang bahay nitong nakaraang Biyernes ng gabi, February 12.

Naganap umano ang panloloob sa kanilang bahay sa Kawit, Cavite, kunsaan naroon sina Irma, ang 16-year-old na anak at ang kanyang lolo at lola na nasa 80s ang edad.

Dakong ika-11 ng gabi nang lumabas sa kuwarto ang binatilyong anak ni Irma at nagpunta sa family room at doon nakita ang suspek na kinilalang si Ricardo Estorres.

Nakatakip umano ang mukha ng suspek at tinutukan ng balisong ang binatilyo at sinabihang huwag mag-ingay.

Pero sa halip na matakot, hinila umano ng binata ang kamay ng suspek at nanlaban, hanggang sa mauwi sa headlock ang kanilang pagbubuno.

Doon na raw sumigaw ang binatilyo para tawagin ang kanyang ina.

Naagaw umano ni Irma ang balisong mula sa suspek at tinutukan ito sa leeg bago ito sumuko.

Sugat sa daliri at kagat sa braso ang tinamo ng binatilyo, samantalang bukol sa ulo at galos ang tinamo ng character actress.

Kuwento ni Irma, "What the man told him was, 'Wag kang magsasalita, wag kang maingay' and he was pointing that big knife at him.

"Sabi lang niya, 'No, he's not going to allow him to hurt anyone in this house,'" ani Irma sa ulat ng Balitanghali ng GMA-7 nitong Sabado, February 13.

"And I am just very thankful that nothing happened to him because I don't know what's gonna happen to me if something happens to him."

Ayon naman sa binatilyong anak ni Irma, sa halip na lumabas ng bahay at humingi ng tulong, nangibabaw umano sa kanya na isipin ang posibleng mangyari sa mga taong maiiwan sa bahay.

“But my instincts were, they're in the room, and what could he have done if I left there and called out for help.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So what I wanted to do was stop him right then and there."

Sa panayam naman sa suspek, sinabi niyang nahimok lamang siya ng isang grupo na pasukin ang bahay.

“Naudyukan lang po ako ng 'Tropang Noveleta.' Sabi may papasukin daw kaming bahay po.

“Una, lookout lang po ako, pabalik-balik. Sabay yung isa lumabas na po sa bintana, dumaan may dalang laptop.

“Pumasok na ako, nakaawang yung pinto. Ako po ang naabutan sa loob."

Samantala, patung-patong na kaso ang isasampa laban sa suspek, gayundin sa mga kasama nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN