Piolo Pascual elated over movie's nomination in Berlin filmfest

Piolo Pascual on the nomination of Hele sa Hiwagang Hapis in the forthcoming Berlin International Film Festival: "I think more than anything, it's a privilege. At the same time, it's an honor, because we're not just representing the movie, but we're representing the country."


Nominado ang pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis sa Berlin International Film Festival na gaganapin mula February 11-21.

Ang pelikulang pinagbibidahan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ay idinirihe ng premyadong director na si Lav Diaz.

Nominado ang nasabing pelikula na may titulong “A Lullaby To The Sorrowful Mystery” sa mga kategoryang Golden Bear and Silver Bear awards.

Ang Golden Bear ay katumbas ng Best Film, samantalang ang Silver Bear naman ay para sa kategorya ng acting, production, at writing.

Excited naman si Piolo sa pagkilalang tinanggap ng pinagbibidahang pelikula, at ikinuwento niyang kasama ang lahat ng bumubuo ng kanilang pelikula patungong Berlin para dumalo sa awarding ng prestihiyosong international award-giving body.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Piolo noong nakaraang linggo sa bakuran ng ABS-CBN.

Sabi niya, “I think more than anything, it’s a privilege.

“At the same time, it’s an honor, because we’re not just representing the movie, but we’re representing the country.

“Being a sole nominated film for the Philippines, parang dala natin yung flag natin.

“I’m leaving on the 15th. I’m gonna be with Lloydie and the rest of the cast.

“Direk Lav Diaz is so excited because we're competing, we’re in a competition, so sana, sana may makuha tayo kahit papaano.”

NOT WORRIED ABOUT MOVIE'S LENGTH. Balitang mahigit limang oras ang tatakbuhin ng nasabing pelikula.

Matatandaang kilala ang direktor sa kanyang mga obra na karaniwang mas mahaba kesa sa tradisyonal na pelikula.

Ang Batang West Side ay limang oras, samantalang ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ay mahigit apat na oras.

Dahil dito, tinanong namin si Piolo kung hindi ba siya nag-aalala na baka hindi ito kagatin ng publiko dahil sa sobrang haba.

Aniya, “Eight hours, 'no? I guess there’s an intermission like I think they're gonna split it in two—four hours in the morning, four hours in the afternoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s Lav Diaz. What can you say?

“I’m excited for him, we are all excited for this movie. It’s one of a kind. Sana, sana.”

MOVIE WITH DAWN AND COLEEN. Sinisimulan na rin ng aktor ang pelikulang pagsasamahan nila nila Dawn Zulueta at Coleen Garcia.

Ayon sa aktor ay marami siyang preparasyon na ginagawa para sa ginagawang pelikula kung saan gaganap siya bilang isang DJ.

“Yes, I’ve been doing lot of immersion.

“Every day, 'tapos kasama ko yung director ko.

“Pumupunta pa ako sa mga clubs para makapag-observe sa mga DJs.

“Hindi na siya matanggal sa utak ko, even with Ms. Dawn.

"I’m so excited because she’s equally excited, so sana, sana maganda ang kalabasan,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN