Rita Daniela misses her late dad

Rita Daniela on her late dad Red Valdez, who passed away last December 21, 2015: "I miss Papa every day. Ever since noong pinasok ko ang trabahong ito, laging si Papa ang kasama ko. Lahat ng gawin ko—singing, acting—nandiyan siya to support me."


Kahit na nakikitang nakangiti ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela, makikita pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Red Valdez.

Sumakabilang-buhay ang ama ni Rita noong nakaraang December 21, 2015 dahil sa kumplikasyon dulot ng pagpapa-heart bypass surgery nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment) kay Rita sa press launch ng all-star charity album na One Heart ng GMA Records noong nakaraang February 11, masyado raw mabilis ang lahat ng pangyayari at bago raw sumapit ang Pasko ay namaalam na ang kanyang ama.

Kuwento niya, “Talagang nagulat kaming lahat.

“Inoperahan kasi si Papa noong December 16.

“Napansin namin na after the operation, lalo siyang nanghina. Hindi siya totally naka-recover na.

“Mabuti na lang at ang wish ni Papa na magsasama-sama kaming magkakapatid ulit ay nangyari.

“Kinausap niya kaming lahat bago siya namaalam.

“Kaya December 25 ay nasa memorial park kami.

“Doon kami nag-Pasko ng mga kapatid ko.

“Pero we treated that day as a celebration of Papa’s life.

“Nag-flashback kami sa mga panahon noong mga bata pa kami at maraming mga nagawang maganda si Papa sa amin.”

SUPPORTIVE DAD. Naging very supportive ang ama ni Rita sa kanya lalo na noong sumali siya sa singing contest ng QTV 11 na Popstar Kids in 2005 kunsaan siya ang hinirang na grand champion.

Pag-amin niya, “I miss Papa every day.

“Ever since noong pinasok ko ang trabahong ito, laging si Papa ang kasama ko.

“Lahat ng gawin ko—singing, acting—nandiyan siya to support me.

“Even sa mga pagkakataon na sobra akong napu-frustrate, he was always there to cheer me up.

“Kaya sobra ko siyang nami-miss talaga.

“Wherever he is now, alam kong masaya na siya at lagi niya kaming gina-guide na magkakapatid.”

LAST PHOTO WITH DAD. May last picture nga si Rita ng kanyang ama na nakunan at pinost niya sa kanyang Instagram page noong December 24, 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Heto ang nilagay niyang caption: “My last picture with Papa. Trying out my new phone this was taken December 16, 2015 at 8:55pm. I know you are the happiest now up there. I love you every day. Ngayon pa lang nami-miss na kita pero alam ko nanjan ka lang para sa amin. I miss you our guardian angel. #RedValdez”

Walang hinala si Rita na iyon na pala ang huling picture niya na kasama ang kanyang ama.

“Lagi kong tinitingnan ang kuha naming iyon.

“Ang saya kasi namin. Kahit si Papa, kahit na bagong opera siya, naka-smile siya.

“I never thought na huling photo na namin together iyon.

“Lagi ko na lang itu-throwback ang photo na ‘yon. I will treasure it for the rest of my life,” emote pa ni Rita.

Ngayon ay muling busy si Rita sa kanyang singing career at kasama siya sa all-star charity album ng GMA Records na One Heart kunsaan kasama niya sina Yasmien Kurdi, Maricris Garcia, Ralf King, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Glaiza de Castro at iba pang mga Kapuso artists.

READY TO TAKE A SHOT AT DREAM THEATER ROLE AGAIN. Handa raw ulit si Rita na mag-audition para sa West End musical na Ms. Saigon.

Mas ready raw siya ngayon at ang role na Kim ang kanyang kinaasam-asam na makuha.

Pagbabalik-tanaw niya, “Noong una akong nag-audition for Ms. Saigon, I was only 16 years old.

“Sabi nila sa akin that time na masyado akong bata pa.

“Ngayon at 20 years old na ako, sobrang ready na ako.

“Gusto ko talagang maging Kim sa Ms. Saigon and I have been praying that one day, I will be part of that historical musical.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN