FIRST READ ON PEP. Dingdong Dantes and Marian Rivera's Maria Letizia has been baptized

Kapuso royal couple Dingdong Dantes and Marian Rivera with daughter Maria Letizia pose with actor Gabby Eigenmann at Baby Zia's baptism held earlier today, February 14. Gabby is one of the godparents.


Isa nang ganap na Kristiyano si Maria Letizia Gracia Dantes, ang magta-tatlong buwang gulang na anak ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ginanap ang binyag ni Maria Letizia sa St. Alphonsus Parish, sa Magallanes, Makati City, ngayong mismong Valentine's Day, February 14.

Ang reception naman ay kasalukuyang ginaganap sa bahay ng mag-asawang Dingdong at Marian sa Makati.

Ilan sa mga pinili nina Dingdong at Marian upang tumayong mga ninong at ninang ni Baby Zia ay sina Gabby Eigenmann, Ai-Ai delas Alas, Oli Amoroso ng GMA Regional TV, at si Direk Mike Tuviera.

Gayundin ang close friends ni Marian na sina Bettina Carlos, Ana Feleo, at Roxanne Barcelo; at ang mga pinsan ni Dingdong na sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez.

Dumating din ang isa sa mga ninang ni Baby Zia na si Senator Grace Poe, na tumatakbong presidente ngayong 2016 elections.

Nag-post naman agad sa Instagram ang isa sa mga ninong na si Gabby Eigenmann ng larawan kasama ang kanyang inaanak at ang kumpare't kumare niya.

Ninong will always be here for you baby Z...love you

A photo posted by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on

Ang isa naman sa mga ninang ni Zia na si Bettina Carlos ay nag-post din sa Instagram ng kuha nila ng anak na si Gummy sa may reception area:

An afternoon with Z ????????? #gummybites

A photo posted by Bettinna Carlos (@abettinnacarlos) on

Katulad ng naging pahayag ni Dingdong sa huling panayam sa kanya ng PEP.ph, gusto nilang mag-asawa na gawing pribado at very intimate ang binyag ng kanilang anak.

Higit sa lahat, naniniwala si Dingdong na bilang Katoliko, importanteng pagkapanganak ng sanggol ay mas magandang mapabinyagan na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN