VACC Chairman Emeritus Lauro Vizconde dies at 77

Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Emeritus Lauro Vizconde passed away Saturday, February 13, due to cardiac arrest due to diabetic and pulmonary complications. He was 77.


Sumakabilang-buhay na nitong Sabado, February 13, ang Chairman Emeritus ng non-government organization na Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na si Lauro Vizconde.

Ayon sa CNN Philippines, kinumpirma ito ng VACC Chairman na si Dante Jimenez sa isang text message na ipinadala sa iba't ibang media organizations.

Ayon naman sa official statement na ipinadala ni Rodel Vizconde sa GMA-DZBB reporter na si Luis Santos, "cardiac arrest caused by diabetic and pulmonary complications" ang dahilan ng pagkakasawi ni Lauro sa edad na 77 anyos. Si Rodel ay pinsan ni Lauro.

Narito ang kabuuan ng kanilang official statement:

"Ikinalulungkot naming ibalita ang pagpanaw ni Lauro Vizconde, Tito Oro para sa amin at Ka Lauro para sa nakararami. Kaninang (5:15pm), he had a cardiac arrest caused by diabetic and pulmonary complications that caused him to finally move on at the age of 77.

"Pagkatapos ng 25 taon na pakikipaglaban para sa hustisya para sa kanyang pamilya, kapiling na po ni Ka Lauro ang kanyang asawa na si Estrelita at mga anak na sila Carmela & Jennifer.

"Nais po naming hingin ang inyong taimtim na dasal para sa kanyang kaluluwa. Inilaan po ni Tito Oro ang kanyang buhay para sa kanyang pamilya at sa ibang biktima ng heinous crimes. Sa panahong ito ay binibigyang karangalan namin ang kanyang dedikasyon at pagmamahal para sa kanila hanggang sa kanyang huling sandali.

"Sa ngalan ng Vizconde family at ng mga kasambahay niya, nagpapasalamat po kami sa lahat ng sumuporta sa kanya at patuloy na sumusuporta sa aming pamilya sa mga panahong ito.

"Para sa mga gustong makiramay, the wake will be at Heritage Park. Maraming Salamat po."

Official statement mula kay Rodel Vizconde, pamangkin ng namayapang si Lauro Vizconde:Ikinalulungkot naming ibalita...

Posted by Luisito Antonio Santos on Saturday, February 13, 2016

VIZCONDE MASSACRE CASE. Noong June 1991, pinatay ang asawa't dalawang anak ni Lauro sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Parañaque City. Nasa isang business trip sa USA si Lauro nang maganap ang krimen.

Ang asawa nito na si Estrellita Vizconde, 49, ay nagtamo ng 13 stab wounds. Ang panganay nitong anak na si Carmela, 18, ay ginahasa muna at nasawi rin dahil sa 17 stab wounds. Ang bunsong anak naman na si Jennifer, 6, ay pumanaw din matapos magtamo ng 19 na stab wounds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Hubert Webb, anak ng former basketball player at senator na si Freddie Webb, ang pangunahing suspect sa krimen.

Kabilang din sa mga inakusahan ay sina Antonio Lejano II, Hospicio Fernandez, Michael Gatchalian, Miguel Rodriguez, Peter Estrada, Joey Filart and Artemio Ventura. Taong 2000 nang ibaba ang desisyon ng Parañaque Regional Trial Court Judge na si Amelita Tolentino na life imprisonment ang mga akusado.

Noong December 2010, muling nakalaya si Hubert kabilang sina Lejano, Fernandez, Gatchalian, Rodriguez, at Estrada matapos ma-acquit ng Supreme Court.

Ayon sa SC spokesman Jose Midas Marquez, ito ay dahil sa "failure of the prosecution to rule their guilt beyond reasonable doubt."

Nitong nakaraang February 7, ikinasal si Hubert Webb sa kanyang non-showbiz fiance sa St. Andrew Cathedral sa Parañaque City. Kasalukuyang tumatakbo si Hubert bilang Councilor ng 1st District ng Parañaque City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN