Angel Locsin deletes video of Luis Manzano on her Instagram account

Angel Locsin explains why she deleted Luis Manzano's video on her Instagram account: "I deleted the post because I don't want to immortalize pa the video and statement. Tama na yun. Sa ngayon, I am still protective of him kahit hindi kami ok at hindi ko purpose na magalit ang tao sa kanya. Ever."


Nagpapagaling na ngayon si Angel Locsin matapos ang second operation niya para sa kanyang disc bulge injury.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Angel kagabi ng larawan niya habang nakahiga at makikita na may suot siyang neck brace.

Nagpasalamat ang aktres sa kanyang mga tagasuporta at sinabing nagre-recover na siya.

Samantala, sumagot si Angel sa ilang netizens na may kinalaman pa rin sa pinagdadaanan nila ng kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Isang netizen (@thisisjos19) ang sumita kay Angel dahil binura niya sa kanyang Instagram account ang ni-repost niyang video ni Luis na kinakanta ang Justin Bieber song na “Love Yourself.”

Sa nasabing repost video, sa caption ay tinawag pa niyang “ex” si Luis, dahilan upang isipin ng marami na break na nga ang dalawa.

“On the eve of my neck procedure, I saw my singing ex singing “love yourself” sa IG. Kung nag mahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasappagibig”

Read: Angel Locsin calls Luis Manzano her "ex" on IG

Sumbat pa ng netizen, dahil sa post na ito ni Angel, marami ang nagalit kay Luis.

Sumagot naman dito si Angel at naging makahulugan ang kanyang pahayag.

Aniya, tinanong niya si Luis tungkol sa nasabing video, pero hindi na niya idinetalye kung ano ang napag-usapan nila.

“I am a very patient person, but like you, I am only human, I have my limits.

“I know when it's time to stand up for myself.”

Ipinaliwanag ng aktres ang dahilan kung bakit niya binura ang nasabing video sa kanyang account.

“I deleted the post because I don't want to immortalize pa the video and statement. Tama na yun.

“Sa ngayon, I am still protective of him kahit hindi kami ok at hindi ko purpose na magalit ang tao sa kanya. Ever.

“Masakit rin po sa akin to post something like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakabait ng family niya sobra.

“At gusto rin siya ng family ko kaya masakit na nadadamay sila sa gulo namin.

“Sana okay na po.

“Pasensiya na po at mahirap po ito para sa akin.”

Humingi ng paumanhin ang netizen at sinabing nasasaktan din siya sa mga sinasabi ng iba tungkol kay Angel.

Nagpasalamat si Angel at sinabing hayaan ang mga nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa kanya.

December 2015 noong unang magtungo ang Kapamilya actress sa Singapore para maoperahan sa kanyang lumbar area.

Read: Angel Locsin undergoes surgery in Singapore for her disc bulge

Kamakalawa, muling lumipad papuntang Singapore si Angel para sa kanyang second operation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN