Mark Herras admits persistence in courting Winwyn Marquez

Mark Herras explains why he's still relentless in courting Winwyn Marquez: "Siyempre, pag gusto mo ang isang tao, kailangang magtiyaga at magpursige ka talaga, di ba?"


Okay naman po yung taping. Wala naman kaming nagiging problema.

Normal naman sa taping yung siyempre nagkakaroon ng konting delay, pero yung vibe, yung

relationship namin sa taping, sobrang okay po,” bungad sa amin ni Mark Herras.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa taping ng Little Nanay noong February 2 sa Fairmount Hills Subdivision sa Antipolo.

Biniro namin si Mark na noong gabing iyon ay tila wala siya sa mood. Dahil ba wala si Winwyn Marquez sa taping?

Wala ba talaga ako sa mood?” ang tumatawang balik-tanong sa amin ni Mark.

Wala siyang taping today, e.”

STILL COURTING WINWYN. Nasa cast rin ng Little Nanay si Winwyn na napapabalitang espesyal na babae sa buhay ni Mark.

Inamin naman ni Mark na nililigawan pa rin niya si Winwyn.

Nililigawan ko pa din. Pa din, pa din,” giit niya.

Pero hindi ba sinabihan siya dati ni Winwyn na huwag muna itong ligawan? Bakit itinuloy pa rin ni Mark?

Before, pero…”

Pumayag na si Winwyn?

Hindi, pero siyempre pag gusto mo ang isang tao, kailangang magtiyaga at magpursige ka talaga, di ba?” diin niya.

Ano ang level ng sitwasyon sa pagitan nila ni Winwyn ngayon?

HOPEFUL. Nakikita ba niyang may chance na siya sa puso ng dalaga?

Pag-amin ni Mark, “Sana, sana. Pero so far okay naman po kami.

Pero masarap kasi yung feeling na hindi dahil matagal ka nang nanliligaw sa isang tao or what, pero siyempre parang… magte-thirty na ako this year, so siguro naman…

Kasi siyempre nakakatakot lang, siyempre sasabihin na naman ng tao, ‘Ganyan na naman si Mark,’ ganyan-ganyan.

So I think it’s a different stage na ng buhay ngayon, e. So I’m hoping na if ever maging okay talaga in the future…”

Si Winwyn na ang pakakasalan niya?

Yes!”

Magtu-twenty-four naman si Winwyn sa May.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila na ba?

Hindi pa po!’ natatawa niyang tanggi.

Baka naman may mutual understanding (MU) na sila?

Nanliligaw pa lang po.

Nanliligaw pa rin,” ulit pa niya.

Madalas raw niyang bigyan ng bulaklak si Winwyn.

Kuwento niya, “Lalo na nung nagte-taping ako sa Dangwa, kasi meron siyang gustong bulaklak, e. Yung white na carnation.

So pag may taping ako, bibili ako ng bulaklak, then the next day, dadalhin ko sa kanya or nagkakataon kasi the next day may Little Nanay [taping] din, e.”

Nakatrabaho na ni Mark ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez; alam raw ni Joey na nanliligaw si Mark sa anak nito.

Nakilala na rin ni Mark ang ina ni Winwyn na si Alma Moreno na tumatakbong Senador sa nalalapit na eleksyon.

Sasama ba siya sa kampanya ni Alma.

Malamang-lamang po.”

Close naman si Winwyn sa anak ni Mark na si Ada.

Ninang po siya!”

Speaking of Dangwa, natapos ito nitong January 29.

At sa pagtatapos nito, ang character ni Janine Gutierrez na si Rosa ay napunta kay Baste na karakter ni Mark, at hindi sa karakter ni Aljur Abrenica na si Lorenzo.

ON ALJUR. Dahil dito, marami ang nagsasabing tila mas pinaboran ng GMA si Mark kaysa kay Aljur, na posible raw na dahil ito sa “nakatatak” pa rin hanggang ngayon kay Aljur ang tangka nitong paglayas sa poder ng GMA noong 2014.

Paglinaw ni Mark, “Hindi naman. Hindi naman sobra namang mag-isip yung [ibang] tao talaga.

Pero hindi ganun yung ginawa ng GMA sa kanya or dahil… kasi unang-una napunta si AJ sa Dangwa, di ba?

So kung talagang iniitsa-puwera siya ng GMA, dapat noon pa lang wala na siya sa Dangwa, di ba?

And in fairness naman kay AJ, talaga namang nagiging…

Okay na siya sa trabaho niya and siyempre, di ba, kung may nagawa man tayo before, like sa network, siyempre unti-unti naman yun, mawawala yung tampuhan or what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta lang make sure na talagang inaayos nyo na.

Pero I’m seeing AJ naman, I can feel naman na he’s okay na.”

NOT THE NETWORK'S FAVORITE. Biniro tuloy namin si Mark na siya ay paborito ng GMA dahil halos nagpang-abot sa ere ang Dangwa, StarStruck, Little Nanay at ang Wish I May na lahat ay kasali si Mark, mapa-mainstay man or guest role.

Dagdag-linaw pa niya, “Hindi ko naman po puwedeng sabihing paborito.

Suguro nagkataon lang din po na nagsabay-sabay yung show.

Like, yung Wish I May, dapat mas nauna pa po yun ipalabas sa Little Nanay. Kaso nga po di ba sobrang na-extend yung The Half Sisters.

Kaya yung buhok ko dun [sa Wish I May] sobrang maigsi pa, e.

Nagkataon lang na na-move yung airing date.

So nagkataon na nag-abot-abot sila ng isang linggo, kasi one week lang naman po akong pinalabas sa Wish I May.

So iyon.

Hindi naman sa paborito pero siguro, siyempre parang, twelve years na rin ako nasa GMA, di ba, so I think naman na nakaplano rin naman yung GMA sa akin.

Yung mga gagawin ko.”

At napatunayan din niya sa GMA na loyal siyang Kapuso artist.

Yes!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN