Gerald Anderson takes the blame for his failed relationships

Gerlad Anderson relates to his character in Star Cinema's post-Valentine's Day offering Always Be My Maybe: "Sobrang nakaka-relate po ako kung ano po yung mga decision-making, mga stupid decision-making ni Jake, kung ano yung immaturity niya, yung commitment niya, and yung realization."


Aminado si Gerald Anderson na naka-relate siya sa tema ng pelikula nila ni Arci Muñoz para sa Star Cinema, ang Always Be My Maybe.

Tungkol kasi ito sa no-label relationships at sa mga taong 'pa-fall' o mahilig magpaasa at yung mga 'pa-victim' o umaasa.

Pahayag ng Kapamilya actor, “I just wanted to be honest about every scene, about every situation.

“Lahat po ng pinagdadaanan ni Jake [his character's name], sobrang nakaka-relate po ako kung ano po yung mga decision-making.

“Mga stupid decision-making ni Jake, yung immaturity niya, yung commitment niya, and yung realization.”

May isang eksena nga raw sa pelikula na si Gerald mismo ang nagsulat, ngunit hindi na nito ikinuwento kung ano ang nasabing eksena.

“So, meron nga isang eksena na ako po mismo nagsulat, yun yung gusto ko, kayo na po ang magsasabi sa akin pag nagkita tayo.

“Sigurado ako, pag napanood niyo, makikita niyo na ako nagsulat nun.”

Lahat ba ng naging past relationships ni Gerald ay “maybe” lang or true love?

Tugon ng 26-year-old actor, “Hindi ko po alam, e, siyempre ayoko po maging unfair sa mga involved, huwag na  po tayong mag-ano.

“But kasalanan ko, e, kasalanan ko lagi; kumbaga, ang nangyari, nalagay ko po yung sarili ko sa sitwasyon na yun.

“Hindi ko po alam kung anong ibig sabihin ng maybe, hindi ko po alam kung anong nangyari ba't kasalanan ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Gerald sa press conference ng Always Be My Maybe noong Biyernes, February 12.

REALIZATION. Dahil daw sa pelikulang ito, maraming na-realize si Gerald pagdating sa pag-ibig kaya naman tila “retreat” din ang turing niya habang ginagawa ito.

“Itong movie nga parang... hindi movie, parang retreat; naging retreat para sa akin.

“Alam mo yung parang, wow, yung una dine-deny ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Hindi, hindi naman ako ganun kalala.’

“Pero habang sinu-shoot namin, ginagawa naming yung mga eksena, parang gusto ko kausapin yung mga writer.

“‘Ako ba yung peg niyo dito?’ But, yeah, sobrang amazing, amazing experience.

"Lagi kong sinasabi sa mga movies na ginawa ko na ang dami kong natutunan, but ito yung life-changing.

“Well, sa dami kong pinagdaanan, ang daming mare-realize sa movie na ‘to; lahat ng mga lalaki sa generation ko ngayon.

“Parang ang tanda ko na, e, kasi ako na ang nagbibigay ng mga payo sa kaibigan ko.

“‘Guys, huwag munang ganyan kasi pagsisisihan mo din. Trust me, napagdaanan ko ‘yan,’ sabi ko.”

ADVICE TO GUYS. Sa ngayon, hindi pa raw handang pumasok sa panibagong relasyon o makipag-date si Gerald.

Paliwanag nito, “Sa process, under construction pa ako.”

Taong 2015 nang mag-break si Gerald at ang ex-girlfriend nitong si Maja Salvador.

Mag-iisang taon na rin simula nang nag-break ang dalawa, okey na ba siya?

Sagot ni Gerald, “Masaya, sobra, sobra. I’m at peace.

“Every one’s at peace and yun naman ang importante.

“Lalo na’t pag kasalanan mo at nagkamali ka, yun ang pinaka importante, being at peace.”

Ano naman kaya ang pinakamalaking bagay na natutunan niya sa pelikula na maaari rin niyang i-advise sa mga manonood nito?

Sagot ni Gerald, “Just don’t ano... huwag kayong pumasok sa isang relationship kung hindi kayo ready because feeling ng ibang tao, sobrang importante talaga.

“Doon mo malalaman ‘pag wala na, mas masakit talaga.

"Realizing your faults, yung mga shortcomings mo, and try to do your best next time.

“Ayun, huwag kayong pumasok sa relationship kung hindi kayo handa kasi mahirap ‘yan para sa ’yo.

"Lalo na para sa partner mo, kawawa lang din siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN