Brian Poe-Llamanzares's controversial shoes are fake, claims sneakers expert

The controversial photo taken from Brian Poe-Llamanzares' Instagram account (left), which has now been deleted following claims that the sneakers he was wearing were allegedly worth almost a million pesos. However, a sneakers expert, Antonio B. Aguirre, Jr., said the shoes are fake.


Fake diumano ang sapatos na suot ni Brian Poe-Llamanzares sa kontrobersiyal na Instagram photo na kumalat sa social media.

Ito ay ayon sa may-ari ng Sole Slam Manila, isang sneakers store, matapos lumikha ng ingay ang IG photo ni Brian na nakasuot ng diumano’y limited edition 2015 Nike Mag10 Back to the Future II Marty McFly sneakers.

Nagsalita na rin ang ina ni Brian na si Senator Grace Poe hinggil sa isyu at ipinagtanggol ang kanyang anak.

Read: Sen. Grace Poe defends son over issue on expensive shoes

Ayon sa “sneaker head” na si Antonio B. Aguirre, Jr. chief executive officer (CEO) at executive producer ng Sole Slam Manila, peke umano ang suot na sapatos ni Brian sa viral photo.

Sinasabing nagkakahalaga ng US$19,999.00 o tinatayang Php900,000 ang orihinal na edition ng nasabing sneakers.

Tweet ni Aguirre, “fake” ang nasabing sapatos at nagkakahalaga lamang ng US$100, bilang sagot niya kay Maria Ressa tungkol sa artikulong inilathala sa Rappler.com.

Base rin sa tweet ni Aguirre, siya ay isang eksperto kung sneakers ang pag-uusapan.

Naging mainit na usapin ang lumabas sa Facebook na "Ayaw ko Poe" photo ni Brian, kung saan suot nga nito ang sneakers na nagsasabing halos isang milyong piso ang halaga nito.

Iniuugnay kasi ito sa naging pahayag ni Sen. Poe sa isang press conference noong June 2015 na wala siyang pera at walang political machinery.

Sa kabilang banda, sinabi ni Brian na wala siyang intensiyong makasakit sa pagbili niya ng nasabing sapatos.

Sinabi rin niyang galing ito sa kanyang sariling bulsa at nagkakahalaga lamang ng P10,000, ayon sa ulat ng Interaksyon.com.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN