Michael Pangilinan owns up to video scandal: "Totoo po na ako yun."

Singer Michael Pangilinan on admitting his video scandal: "The more na itatago mo siya at magsisinungaling ka, the more na paglalaruan ka ng mga tao, e. Talagang handa akong aminin na ako talaga yun."


Inamin ni Michael Pangilinan na siya ang lakaki sa panibagong video scandal na kumalat sa social media nitong Valentine’s Day, February 14.

Makikita sa nasabing video si Michael habang may ginagawa sa maselang bahagi ng kanyang katawan, at tila may ka-chat sa harap ng computer.

Ayon sa “Pare, Mahal Mo Raw Ako” singer, isang Fil-Am na babae ang ka-Skype niya noong sandaling iyon.

Pahayag ni Michael, “Simple lang po ang sasabihin ko, hindi ko naman po itinatanggi na ako ang nasa video. Totoo po na ako yun.”

Ginawa ni Michael ang pag-amin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa pocket presscon para sa M&M #pumapagibig concert nila ni Marion Aunor.

Ginanap ang presscon ngayong Lunes, February 15, sa Baliwag Grill and Restaurant, sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Nauna rito, pinigil ni Michael ang manager niyang si Jobert Sucaldito na magsalita para sa kanya.

“Ako na, ako na… baka sabihin tinuturuan mo pa ako, baka sabihin nila na scripted itong sasabihin ko,” nakangiting sabi ni Michael kay Jobert.

Pero nilinaw ni Michael na nangyari ang naturang insidente three or four years ago nang siya ay 16 or 17 years old pa lamang.

“Totoo na ako iyong nasa video, pero that was a long, long time ago.

“Bata pa ako noon, iyon yung mga panahon na gago pa ako.

“Totoo iyon, kasi ang lahat ng tao ay nagbabago, hindi mo lang alam kung kailan.

“Pero ngayon ay mas kabisado ko na ang sarili ko, kasi may isa na akong buhay na binubuhay,” pagtukoy ni Michael sa kanyang anak.

Patuloy ng single dad, “Mas nare-realize ko ngayon lahat ng mga nangyayari, lahat ng mga tama at mali ay naiko-compare ko kung ano iyong tama sa mali.

“So, aminado ako na nangyari iyon, pero iyon yung panahon na nagloloko pa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabuti na lang at hindi ako napunta sa pag-a-addict… mas mahirap naman kung may lalaki akong kasama doon, mas malala yun.”

Sinabi rin ni Michael na hindi niya kailangang magsinungaling tungkol sa naturang video.

Saad niya, “The more na itatago mo siya at magsisinungaling ka, the more na paglalaruan ka ng mga tao, e.

“Talagang handa akong aminin na ako talaga yun.”

Sigurado ba siyang isa lang ang video na iyon at wala nang lalabas na kasunod pa?

“Oo, isa lang yun,” sagot ni Michael.

SUPPORTIVE FANS. Pinasalamatan naman ni Michael ang kanyang fans na hindi bumibitaw sa kanya at nauunawaan ang kanyang sitwasyon.

Sabi niya, “So, kung pagpipiyestahan nila ang video ay okay lang yun.

“Pero may mga fans talaga na hindi umalis sa tabi ko kahit na ano ang nangyari.

“Tumatawag sila, nagme-message, nagte-text. Na may message sila sa akin na, ‘Huwag kang mag-alala, nandito lang kami.’

“Sa mga fans, sobrang… gusto ko lang sabihin sa kanila, sana ay hindi sila magbago.

“Yung iba umiiyak pa, sobrang nata-touch ako, kasi hindi naman nila ako kaanu-ano.

“Minamahal lang nila siguro ako dahil sa talent ko at kasiyahang nabibigay sa kanila.

“Yung mga ganoong fans ang masasabi ko na hindi nila tinitingnan kung ano ang mali sa iyo.

“Parang exam sa one to ten na nagkamali ka ng isa, ang una mong papansinin ay kung ano ang mali mo, e.

“Sila hindi, ang una nilang pinapansin ay kung ano yung mas magandang nagawa mo.

“Kaya sobrang thankful ako sa fans.”

Nang may nag-comment na part lang ito ng growing up, ito ang sagot ni Michael:

“Ganito lang po kasimple iyan, kung mamahalin ako ng mga tao, mamahalin nila ako dahil sa talento ko at hindi dahil sa pambababoy na ginawa ko sa sarili ko.

“Aminado ako doon na may ginawa akong pagkakamali, after nun, tapos na ako, alam ko kung ano ang tama at mali ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kalimutan na natin ito, magsimula tayo ng bagong buhay at mas magiging maayos tayo.”

NOT FOR PUBLICITY. Itinanggi naman ni Michael na inilabas ang video scandal niya bilang publicity sa pelikula nila ni Edgar Allan Guzman na Pare, Mahal Mo Raw Ako na malapit nang ipalabas.

“Kung ganoon lang din, sabi ko, ‘E, di sana isinama ko na lang sa movie.’ Hindi ba?” natatawang sabi niya.

Alam daw ni Michael kung sino ang naglabas ng video niya.

“Alam ko kung sino ang naglabas, pero hindi ko na siya kinausap. Kasi lalo siyang mag-iingay.

“Hindi ko siya ex, basta taga-ibang bansa siya. Kaya English yung nasa video, mahirap naman kung mag-Bisaya ako dun!” tawa niya.

Pero ano ang reaksiyon niya nang lumabas ang video?

Saad ni Michael, “Now, masasabi ko po na I think dahil sa video na iyon, mas naging better akong tao.

“Kasi, expected kong lalabas yun. Pero wala tayong magagawa, ipagpasa-Diyos na lang natin.

“So ngayon, sobrang nagpo-focus ako dahil, sabi ko nga, hindi ko naman mapi-please lahat ng tao na mahalin ako, na tanggapin yung video.

“Dahil mayroon talagang bashers, mayroon talagang maninira.”

THE YOUNG MICHAEL. Inamin din ni Michael na maloko talaga siya noong kanyang kabataan.

“Actually, ang naisip ko talaga after lumabas [yung video], ‘Okay lang yun, lalaki naman ako.’

“At saka sorry sa word, pero tarantado ako talaga dati. Nakikipagsuntukan talaga ako dati.

“Kaya ako nagpapa-tattoo… Masayahin po akong tao, pero barubal po ako,” pag-amin ng singer-actor.

Pero diin ni Michael, “Pero dati po yun, iba na po ako ngayon.

“May anak na po kasi ako ngayon. So, ayaw kong mag-reflect sa kanya ang mga nangyayari.

“Gusto ko paglaki niya, wala na siyang iisipin, gusto ko ay mag-aral lang siyang mabuti.”

Dahil sa video na iyon, posibleng dumami ang indecent proposals sa kanya? Paano niya ito iha-handle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mas matatakot silang mag-indecent proposal sa akin.

“Halimbawang ako yung bakla at ikaw ang lalaki at pinanood kita, baka suntukin mo ako kung may offer na ganoon.

“Kasi, binaboy na nga ako sa Facebook, sa social media, tapos bababuyin mo pa ako?

“So, susuntukin kita, hindi ba?”

LESSON LEARNED. Ano ang natutunan niya sa insidenteng ito?

“Dapat kapag ginagawa mo yun, patay ang ilaw!” natatawang biro ni Michael.

Pero seryoso niyang dagdag, “Dapat din ay hindi nagbi-video.”

Paano ba nag-start yun habang nag-i-Skype sila ng ka-chat niyang Fil-Am?

“Hindi naman yun nag-usap kami na, ‘Hoy, mag-video tayo.’

“Nag-Skype kami, hindi ko naman alam na bini-video niya. Yung tipong, ‘Kamusta ka…’ taga-States kasi.”

Inamin din ni Michael na nagpi-flirt sila ng babae habang nasa Skype.

“Siyempre, yes, pero hindi to the point na sobrang lala.

“I mean, normal naman yung ‘Show me yung ganito, ganyan…’”

Ayaw namang ikumpara ni Michael ang video scandal sa ibang video scandals ng kapwa niya male celebrities.

Saad niya, “Magkaiba kami ng pinagmulan, magkaiba kami ng pinanggalingan ng video.

“So, hindi ko iko-compare ang sarili ko na, ‘Mas okay pa nga yung video ko kay Joross [Gamboa].’

“Kasi, parehas lang kaming may ginawang mali, parehas lang kami nakasakit sa fans na nagmamahal sa amin.

“Kaya kailangan naming ayusin ngayon kung ano ang pinakamagandang solusyon.”

Sa kabila ng nilikhang kontrobersiya ng video scanadal ni Michael, may maganda rin daw nangyari dahil sa insidenteng ito.

“Ang pinakamaganda lang sa nangyari sa akin, ang family ko, friends ko, manager ko, fans ko, kayo [press] po, thankful ako na nandiyan kayo to support me.

“Kasi kung wala kayo, saan ako magsasalita?

“Kung hindi ko kayo mahal at hindi ninyo ako mahal, saan ako magsasabi ng saloobin ko?

“Kaya thankful ako kay God, kasi alam kong kahit na my problemang dumarating, kahit ganito yung nangyayari sa akin, nandiyan kayo to support me, to guide me, para mas maging madali ang buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN