Jasmine Curtis-Smith admits to seeing a non-showbiz guy

Jasmine Curtis-Smith was elusive when asked if she has a new love life. Without giving too much detail, Jasmine said that the new guy she is seeing has a positive impact on her.


Nag-date si Jasmine Curtis-Smith kasama ang mga kaibigan nitong Valentine’s Day, Linggo, February 14.

“I was by the beach with a group of friends and we were just enjoying a relaxed day,” kuwento ni Jasmine nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niya ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso.

Nakapanayam ng PEP at isa pang miyembro ng press ang Kapatid actress sa Smart Communications event na Batman vs Superman: Dawn of Justice nitong Lunes, February 15.

Ano ang pakiramdam na mag-celebrate ng Valentine’s Day nang single?

“Actually, I feel really good about it. Masaya ako,” sagot niya.

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Jasmine ay ang actor-singer na si Sam Concepcion.

Naging sentimental ba siya dahil single siya ngayong taon?

Sagot ni Jasmine, “Siyempre it’s a sentimental day… overall naman, basta masaya ako.”

Pinansin namin na tila blooming siya ngayon. Mayroon bang nagpapasaya sa kanya?

“Everyone in my life right now,” pa-safe na sagot niya.

“Actually, ang ganda ng salubong ko sa year na ito.

“We just launched Forever Sucks yesterday,” pagtukoy ni Jasmine sa kanyang ongoing digital show.

“Reception was well. It has gotten a lot of views online.

“Plus, my friends, with family, we’re all in good contact. Everyone is updating each other, my mom and my dad.

“Everyone’s communicating so it’s been a happy year, so far, for me.

“And everyone is inspiring me kaya ako blooming.”

POSITIVE INFLUENCE. May espesyal na tao bang nagpapasaya sa kanya ngayon on a romantic level?

“Romantic agad-agad?”

Pero pagkatapos ng ilang segundong pananahimik, natatawang sabi ni Jasmine, "Yun na yun!”

“Ano, basta yun,” sabay ngiti niya.

Dagdag ni Jasmine, hindi naman niya isinasara ang kanyang pintuan sa posibilidad na may makilalang makapagpapatibok muli ng kanyang puso.

“Basta ako lang naman, if it feels right and it’s got a positive influence on you and you feel good, then it’s good.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it doesn’t feel right or parang negative yung impact sa ‘yo, and the way it translates when you’re at work or with your friends, then I think it’s not healthy to be involved in that.

“But so far naman, mukhang positive impact naman kung anuman ang ganap,” sabi niya.

Nang usisain pa tungkol sa tinutukoy niyang lalaki, ani Jasmine, “He’s not in the industry, so I don’t want to drag him to this chaotic, concrete jungle of ours.”

Pero hindi naman daw mahalaga kung taga-showbiz man o hindi yung lalaki.

“At the end of the day, it doesn’t even matter kung sang industry, di ba?

“But it just so happened that he’s not, so parang ayoko lang… it’ll come out organically.”

Sa tanong naman kung masaya ang kanyang ina at ate na si Anne Curtis dito, tugon ni Jasmine, “Yes, very much… everyone.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN