Xian Lim afraid to put a label in relationship with Kim Chiu

Xian Lim explains that he is scared to put label in his relationship with Kim Chiu because it might affect the current status of their relationship. However, he told the press, "Mahal na mahal ko si Kim."


Ayaw raw bigyan ng label ni Xian Lim ang relasyon nila ngayon ng kaparehang si Kim Chiu.

Sa press conference ng bago nilang teleseryeng The Story of Us kagabi, February 15, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, unang natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng press kay Xian kung ano na nga ba ang istorya nila ngayon ni Kim.

Sagot niya, “Natanong na sa amin ‘yan, e. Itong story of us, ano nga ba ang story ni Kim at Xian, paano papangalanan.

“Ako, sabi ko, ang title ko dito, everlasting love. Kasi yung pagmamahal ko kay Kim, everlasting.”

Dito ay diretsahan nang tinanong si Xian kung ano na ba ang tunay na namamagitan sa pagitan nila ni Kim.

Sagot niya, “Ito po ang totoo, sabihin ko po sa inyo.

“Kasi natatakot po ako, and pati po si Kim, natatakot na magbigay ng label o kahit ano.

“Alam ko pong sinasabi niyo, ‘Ito na naman, we’re happy. Ito na naman ang level up.’

“Ang gusto ko pong sabihin sa inyo, mahal na mahal ko si Kim.”

Paliwanag pa ng Kapamilya star, “Kasi po, kapag binukas natin sa lahat, marami po silang masasabi.

“At maraming relationship na nabubuwag kapag ibinigay niyo talaga yun at sana po, ibigay niyo na sa amin, iniingatan ko po talaga.”

Natanong naman si Kim kung ano ba ang nagpipigil sa kanilang dalawa para umamin sa kanilang tunay na relasyon.

Imbes na ang aktres ang sumagot sa tanong, sinabi ni Xian na siya na lamang ang magbibigay ng tugon para sa kapareha.

“Nothing is stopping us, nothing is stopping me from loving Kim.

“And I’m speaking on her behalf, sana okay lang, nothing is stopping Kim from loving me.

“It’s just that kung pinangalanan mo ito, natatakot lang kami na baka may mangyari, baka maraming dumagdag, marami pong masabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero masabi ko lang…

Sa puntong ito ay tumingin si Xian kay Kim at sinabi sa kanyang, “Mahal na mahal kita.”

Dagdag pa ng 26-year-old star, “Hindi po ako takot ipakitang hawakan ang kamay niya, halikan siya. Meron po talagang panahon para ipagsigawan.”

ASKING ABOUT PROJECTS. Kapansin-pansin ding matagal bago nakabalik si Xian sa paggawa ng teleserye.

Ang huli pa niyang proyekto sa telebisyon ay ang teleseryeng Ina Kapatid Anak kung saan sila rin ni Kim ang magkapareha; kasama sina Maja Salvador at Enchong Dee. Nagtapos ito noong 2013.

Inamin naman ni Xian na nalungkot siya at nagtanung-tanong kung bakit tila hindi siya nabibigyan ng proyekto.

“Kasi hindi ko talaga alam kung kailan ako mabibigyan ng proyekto.

“Nalungkot ako, pero at the same time, strong po ang support group ko, andiyan ang nanay ko nasasabihan ko ng problema. At siyempre nandiyan ang Star Magic family.

“Pero yun po ang totoo, nagtatanong po talaga ako kung bakit ganito, marami pong questions.”

Dahil ba drito ay naisip niyang mag-quit na sa showbiz?

Tugon ni Xian, “A, hindi naman po, hindi ko naman po ugali ang mag-quit sa mga bagay, talagang pupukpok at pupukpok po ako hangga’t sa kaya ko.

“Pero siyempre nakaka-discourage din po. Marami po akong tanong...

“Huwag na lang natin sabihin yung mga tanong, pero isa na po dun yung bakit di ako nabibigyan [ng project].”

Subalit ngayon daw ay inspirado si Xian sa paggawa ng bagong teleserye nila ni Kim, na mapapanood simula Pebrero 29, kapalit ng On The Wings of Love.

Sabi niya, “Sa lahat naman ng ginagawa ko, promise lahat ibibigay ko talaga ang best ko.

“Pero sa journey siguro ng bawat artista, iba-iba talaga ang nararansan namin.

“Sabi nga ni Direk [Richard Somes, director of The Story of Us], noong kinausap niya kami noong ginagawa namin ito, iyong proseso talaga ang mahalaga more than kung ano iyong mapapanood ninyo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang dapat mahalin mo kung ano iyong hindi nakikita ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN