Marian Rivera happy for Alden Richards: "Deserve niya 'yan kasi nagsikap naman siya."

Dahil nagkasama sila ng ilang buwan sa teleseryeng Carmela (2014), alam ni Marian Rivera ang pagsisikap at kasipagan ni Alden Richards sa trabaho. Kaya naman sa pagsikat ni Alden ngayon dahil sa AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza, isa si Marian sa labis na natutuwa. Sabi ni Marian, "At naghintay siya na mag-shine siya sa tamang panahon."


Puro magagandang salita ang maririnig mula sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera para sa kanyang naging kapareha sa teleseryeng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw na si Alden Richards.

Halos anim na buwang nagkatrabaho ang dalawa noon para sa nasabing primetime series—mula Enero hanggang Mayo 2014.

Pahayag ni Marian tungkol sa tinaguriang Pambansang Bae, “Siyempre happy ako para sa kanya kasi mabait naman talaga si Alden.

“So, sabi ko nga, e, bilog ang mundo. Kung anong ginawa mo, babalik at babalik sa ‘yo.”

Bilib daw si Marian sa naging determinasyon ni Alden sa trabaho at sa pagsisikap nito upang may marating sa mundo ng showbiz.

“Nagtiyaga yung bata, nagsikap, o, ayan bumunga ang kanyang puno at ngayon kinakain [na] niya ang mga prutas na yun.

“Kaya deserve niya ‘yan, kasi nagsikap naman siya.”

Bukod dito, hindi rin daw nagmadali si Alden. Naghintay ito na lalong bumulusok ang kanyang bituin paitaas.

Pagtatapos pa ni Marian, “At naghintay siya na mag-shine siya sa tamang panahon.”

Read: Marian Rivera tells Maine Mendoza to just enjoy her popularity


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN