Nadine Lustre defends James Reid against ungentlemanly issue

Depensa ni Nadine Lustre, nag-offer si James Reid na bitbitin ang kanyang mga pinamili pero tumanggi ang aktres. Kaugnay ito ng kumalat na photo ng dalawa sa social media kung saan makikitang maraming bitbit si Nadine habang nasa unahan niya si James.


Ipinagtanggol ni Nadine Lustre ang ka-love team niyang si James Reid kaugnay ng kumalat na larawan nila sa social media, kung saan makikita si James na nauuna habang pababa sa escalator, samantalang nasa likod niya si Nadine at may mga bitbit na gamit.

Komento ng ilang netizens, bakit hindi tinulungan ni James si Nadine na bitbitin ang mga gamit nito.

Kuha ang nasabing larawan noong February 14, Valentine’s Day, kung saan lumabas ang dalawang bida ng teleseryeng On The Wings of Love at pumunta sa mall para sa isang “date.”

(Photo from Twitter @JaDine_Addicts)

Sa finale presscon ng On The Wings of Love sa ABS-CBN Studio 4, nitong Martes, February 16, kinunan ng pahayag sina James at Nadine tungkol sa isyu na kumukuwestiyon sa pagiging gentleman ng Viva heartthrob.

Paliwanag ni Nadine, “Yung mga gamit po na ganun, I really don’t mind kung ako yung magbibitbit. It’s okay.

“Kasi, number one, it’s really not heavy.

“Number two, kaya ko naman po.

“And even pag may schedule, minsan wala akong PA [personal assistant], I carry my stuff, I drive, so parang it’s really nothing to me.”

Hindi ba nag-offer si James na bitbitin ang mga gamit niya?

Sagot ni Nadine, “He did, but then, 'Ako na hahawak, it’s okay.'

“Sanay po kasi ako ng ganun. Even with my bag, parang hindi ko po talaga pinapabitbit sa iba.”

Simpleng tugon naman ni James dito, “She wanted all the bags, so I’m not gonna fight her over that.”

Samantala, sa Twitter account ng tagasuporta ng JaDine loveteam (Jadine Addicts), ni-retweet nito ang ilang dating posts ni Nadine kung saan ipinahayag ng aktres ang kanyang opinyong tungkol sa pagbitbit ng mga lalaki ng gamit ng mga babae.

VALENTINE DATE. Samantala, sa kabila ng isyung ikinakabit sa “date” nina James at Nadine noong Valentine’s Day, sinabi ng aktor na pumunta silang dalawa sa Rockwell Powerplant Mall at bumili ng computer games.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We were at Rockwell, we were just shopping for computer games.

“But to be honest, meron kaming dinner plans, but it was cancelled because the restaurant was full,” sabi ng Fil-Australian actor.

Sa tanong kung in love na ba sila sa isa't isa, sagot ni James: “We’re really close.”

Pagsang-ayon ni Nadine: “We’re just really close.”

NEXT FOR JADINE. Samantala, bago ang ginanap na presscon, pumirma muna ng panibagong kontrata sa ABS-CBN sina James at Nadine.

Kinumpirma ng Dreamscape head na si Deo Endrinal na may mga nakalinyang proyekto na sa dalawa.

“They’re just gonna go on a world tour, then movies, then we’re starting to shoot again late June for a new series.”

Nasa last two weeks na ang On The Wings of Love at ngayong February 20, Sabado, gagawin ang JaDine In Love concert ng dalawa sa Smart-Araneta Coliseum.

Gagawin naman sa Marso ang kanilang world tour sa Doha (Marso 18), Dubai (Marso 19), London (Marso 26), at Milan (Marso 27).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN