Why Ciara Sotto cried on Valentine's Day

Amidst the marital problem Ciara Sotto is dealing with at the moment, the "two men" in her life made her feel loved and special this Valentine's Day. 


Naiyak si Ciara Sotto nitong nakaraang February 14, Valentine’s Day, hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa pagmamahal na ipinadama sa kanya ng “dalawang lalaking” nagmamahal sa kanya.

Ipinost ni Ciara Sotto sa kanyang Instagram account ang pagbati ng amang si Senator Tito Sotto at ang anak na si Crixus sa Araw ng mga Puso, sa gitna ng pinagdadaanan niya sa buhay may-asawa.

Nitong January, inamin ni Ciara na naghiwalay sila ng kanyang asawang si Jojo Oconer at umalis na siya sa kanilang bahay.

Bumalik ang aktres, kasama ang mag-iisang taong gulang na anak, sa poder ng kanyang mga magulang na sina Tito at Helen Gamboa.

Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer

Unang ipinost ni Ciara sa kanyang Instagram ang larawan ng red roses at Valentine card na galing sa kanyang ama, na tinawag niya bilang kanyang “forever Valentine.”

Caption ni Ciara sa post: “I have the sweetest Daddy-my forever valentine. I love you so much Daddy!"

Mensahe naman ni Tito sa kanyang anak: “To my Valentine Ciaring, Ako original mong Valentine forever! I love you, Daddy!”

Sa comment section, sinabi ni Ciara na naiyak siya sa mensahe ng kanyang ama.

Ipinost din ng actress-host ang card na naglalalaman ng mensahe para sa kanya ng anak, sa tulong ng nakatatandang kapatid ni Ciara na si Apples.

Ang mensahe na nakasulat sa card: “To my dearest Mama, You are God’s greatest gift to me. I am so blessed you are my mommy. You are amazing! I love you so much!”

May kasama ring sweets ang nasabing Valentine gift mula sa anak ni Ciara.

Ayon kay Ciara, naiyak siya rito, “This made me cry… a gift from my Crixus, care of @purpleluxe [Apples]. Thank you so much! I am soooo happy and blessed! Happy Valentining one and all!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN