Jinkee Pacquiao on bashers of husband Manny Pacquiao: "Haters gonna hate."

Jinkee Pacquiao posts her reply to netizens and bashers who criticized husband Manny Pacquiao for comparing same-sex marriage to animals.


Maiksi subalit makahulugan ang naging post ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram account, kasunod ng pagbatikos ng celebrities at netizens sa naging kontrobersiyal na pahayag ng kanyang asawang si Manny Pacquaio tungkol sa same-sex marriage.

Mensahe ni Jinkee: “Haters gonna hate, but there is no room for negativity in my life and my family. Godbless everyone!”

Ginamit pa ni Jinkee ang mga hashtags na #loveoneanother #ijustprayforeverything.

Umani ng batikos ang pahayag ni Manny na di siya pabor sa same-sex marriage at sabihing mas masahol pa sa hayop ang pagpatol sa parehong kasarian.

Dahil dito, may ilang celebrities na bumatikos kay Manny, kagaya nina Vice Ganda, Aiza Seguerra, at Lea Salonga.

Read: Vice Ganda slams Manny Pacquiao's condemnation of same-sex marriage

Inulan din ng mga komento ang Instagram account ni Jinkee kaugnay ng pahayag ng kanyang mister.

Habang may mga pumanig sa kampo ni Manny, gaya ng pagsasabing irespeto ang kanyang opinyon, sunud-sunod din ang kumutya sa naging pahayag ng boxing champ.

May mga netizens ding inungkat ang mga dating isyu ni Manny, partikular na ang pagkakaroon nito ng ibang babae kahit na may asawa na siya.

April 2015 nang aminin ni Manny as isang interview na muntik na siyang iwan ni Jinkee dahil sa kanyang pambababae.

Read: Manny Pacquiao admits womanizing ways almost led to breakdown of his marriage


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN