Ai-Ai delas Alas, John 'Sweet' Lapus not laughing at Manny Pacquiao's stand on same-sex marriage

Hindi natatawa ang mga komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at John "Sweet" Lapus sa naging pahayag ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage, kung saan ikinumpara nito ang mga taong nagpapakasal sa pareho nilang kasarian na mas "masahol pa sa hayop."


Humahaba na ang listahan ng showbiz personalities na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya at galit dahil sa binitawang salita ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

Kabilang na rito ang mga komedyanteng sina Ai-Ai delas Alas at John "Sweet" Lapus, na hindi natawa sa pahayag ni Pacquiao na ang mga taong nagpapakasal sa kaparehong kasarian ay “mas masahol pa sa hayop.”

Binura na raw ni Ai-Ai ang kaisa-isang picture niya kasama si Pacquiao bilang pagsuporta sa mga kaibigan niyang miyembro ng LGBT o lesbian, gay, bisexual, transgender community.

Sa pamamagitan ng Instagram (msaiaidelasalas), ipinahayag ng tinaguriang Philippine Queen of Comedy ang kanyang saloobin sa mga binitawang salita ni Pacquiao laban sa LGBT community:

“Manny, this message is in support of my friends and those who are very close to me whom I call my family!

“Pwede mo naman sabihin na hindi ka sang-ayon sa SAME SEX MARRIAGE pero para sabihin mo na ang mga gays and lesbians are mas masahol pa sa hayup eh hindi din naman tama!

“Bilang tao na hinahangaan sa buong mundo, hindi ka dapat nanghuhusga ng kapwa mo...

“Minsan na nga lang ako magpa-picture sa ‘yo... BINURA ko na para sa support sa mga kaibigan ko na parang pamilya KO NA din na miyembro ng LGBT na nasaktan at nainsulto sa salitang binitawan mo.

“Sa pagdaloy ng panahon natutunan ko na din ‘to... READ BEFORE YOU CLICK... THINK BEFORE YOU SPEAK.”

JOHN LAPUS. Si John “Sweet” Lapus naman ay ipinahayag ang kanyang galit laban kay Pacquiao gamit ang kanyang Instagram (korekkajohn), Twitter (@KorekKaJohn), at Facebook (John Lapus) accounts.

Hinikayat ni Sweet ang mga kapwa niya Pilipino at mga kapatid sa LGBT community na huwag iboto si Pacquiao bilang senador ngayong 2016 elections.

Ito ay sa kabila ng minsan na niyang nakatrabaho ang Pinoy boxing champ at kongresista sa dating sitcom ng GMA Network na Show Me Da Manny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

More...


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN