Ynna Asistio promises herself not to fall for someone from showbiz again

Ynna Asistio is finally graduating from college this April. She says, "I'm already 24 at nagpapasalamat ako na sa wakas, I will be graduating with a degree. Promise ko 'yan sa parents ko. Na makakakuha ako ng college diploma kahit na pinagsasabay ko ang pagtrabaho sa showbiz. I feel proud dahil achievement ito para sa akin."


Ipinangako ni Ynna Assistio sa kanyang sarili na hindi na siya magbu-boyfriend ng taga-showbiz.

Tila hindi kasi naging maganda ang karanasan ni Ynna sa kinahinatnan ng relasyon nila noon ng Kapuso actor na si Mark Herras.

Paliwanag ng aktres, “Ayoko na lang pong masaktan ulit.

“Masyado po kasing publicized ang isang relasyon kapag pareho kayong nasa showbiz.

“Kaya kapag may mangyaring hindi maganda, masyado pong masasakit ang naririnig mo na sinasabi nila sa iyo.

“Kaya I learned my lesson. No more boys from showbiz for me.”

Nagtapos ang relasyon nila ni Mark noong 2013, pero loveless pa rin daw si Ynna hanggang ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynna sa launching niya bilang endorser ng The Aura Ruz noong February 13 sa SM Las Piñas.

THE GRADUATE. Samantala, masayang ibinalita ni Ynna na graduating na siya mula sa kurso niyang Broadcasting sa Centro Escolar University (CEU).

Makakasama siya sa graduating class ng naturang unibersidad sa buwan ng Abril.

Masaya si Ynna dahil natupad na ang isang wish niyang makatapos ng pag-aaral.

Pahayag niya, “Kung nagtuluy-tuloy lang po ako noon sa pag-aaral ko, matagal na akong nakatapos.

“I’m already 24 at nagpapasalamat ako na sa wakas, I will be graduating with a degree.

“Promise ko ‘yan sa parents ko. Na makakakuha ako ng college diploma kahit na pinagsasabay ko ang pagtrabaho sa showbiz.

“I feel proud dahil achievement ito para sa akin.”

Ang pag-aaral ni Ynna ang isa sa dahilan kung bakit hindi siya masyadong aktibo sa showbiz.

Ang tanging proyekto niya lately ay ang primetime series ng ABS-CBN na On The Wings Of Love.

Kuwento niya, “Tapos na rin ang taping ko for On The Wings of Love.

“Talagang hindi muna ako tumanggap ng iba pang work kasi gusto kong mag-concentrate sa school.

“As in pumapasok po ako na naka-uniform. Student na student ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba kasi ang feeling nng pumapasok ka sa totoong school kesa sa naka-online ka lang.

“I made so many friends in school. Hindi nila ako tinatrato na celebrity.

“Normal na normal ang pagiging student ko at na-miss ko yun for such a long time.

“Kaya noong may chance na maging student ulit ako, I did not hesitate to sacrifice my career. Basta makatapos lang ako.”

THE CAMPAIGN. Magiging busy naman si Ynna sa mga susunod na buwan dahil tutulong siya sa kampanya ng kanyang amang si Macario “Boy” Asistio, Jr., na tumatakbo bilang mayor ng Caloocan City.

Pahayag ng anak ni Nadia Montenegro, “Sa totoo lang po, kung kami lang ang may final decision, ayaw na naming tumakbo pa si Daddy.

“Alam kasi namin ang hirap ng pagkampanya. At siyempre, si Daddy, hindi na siya ganung kalakas like before.

“Pero wala kaming magagawa. Nasa dugo talaga ni Daddy ang maging pulitiko.

“All we can do is support him and hope for the best.

“Nag-start na kaming mag-ikut-ikot sa Caloocan and maganda naman ang pagtanggap ng mga tao sa daddy ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN