Ana Marin explains why she will not vote for Grace Poe

Ana Marin on Grace Poe: "Yes, I know her, pero hindi kami close. Even with her mom [Susan Roces]. We know each other, but we were never close. Alam niyo na… personal reasons."


Hindi raw iboboto ng veteran actress na si Ana Marin ang presidential candidate na si Grace Poe.

Si Ana ay may love child sa adoptive father ni Grace at yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe. Jr.

Ang anak ni Ana kay FPJ ay si Ronian Poe, isang kilalang tattoo artist at club DJ.

Half-siblings ni Ronian sina Grace at Lovi Poe (anak ni FPJ sa dating model-actress na si Rowena Moran).

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ana sa set ng GMA primetime series na That’s My Amboy, noong February 16, tinanong namin kung sino ang iboboto niyang presidente sa 2016 elections.

Sagot niya, “Actually wala because I don’t vote.

“Kahit na noong time na tumakbo si Ronnie [FPJ], hindi rin ako bumoto.

“Marami nang nagtatanong sa akin kung sino ang iboboto ko. Pero wala nga dahil hindi ako bumuboto.”

Nagkakilala na ba sila ni Grace Poe?

Sabi ni Ana, “Yes, I know her, pero hindi kami close.

“Even with her mom [Susan Roces]. We know each other, but we were never close.

“Alam niyo na… personal reasons.”

Kung sakaling humingi ng suporta si Grace sa kanya at half-brother nitong si Ronian, pagbibigyan kaya nila?

Tugon ni Ana, “I don’t know… it really depends on them.

“Pero mas gusto ko na tahimik na lang kami.

“Ever since naman, hindi kami sumasali sa ganyan ng anak ko.

“Better na hindi kami nakikialam. Better for everybody.”

Ayon kay Ana, close si Ronian sa half-sister nitong si Lovi.

Noong nag-celebrate nga raw ng kanyang birthday si Lovi noong February 11 ay nandoon sila ni Ronian.

Kuwento pa niya, “Close kaming mag-ina kay Lovi at sa mom niya.

“Madalas na magkasama sina Ronian at Lovi.

“Happy kami ng mommy ni Lovi na magkasundung-magkasundo ang dalawa.”

ANA’S FILMOGRAPHY. Si Ana ay naging paboritong leading lady ng action stars sa mga pelikula noong dekada ’70.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ay ang mga sumusunod: Teribol Dobol, Oo Nga’t Pangit Pero Lintik, Ang Pagbabalik ni Harabas at Bulilit, Berdugo ng Maton, Bruce Liit, Kuwatog, Kadete, Pabling, Ding Galing, Moral, at Tatak Ng Tundo kunsaan naging leading man at direktor niya si Fernando Poe Jr.

Tumigil sa pag-aartista si Ana noong 1985 at bumalik siya noong 1997 via the drama series Esperanza of ABS-CBN.

Lumabas din siya sa ilang teleserye sa GMA Network; gaya ng Bukod Kang Pinagpala, Villa Quintana, at Yagit.

At ngayon ay napapanood siyang muli sa That’s My Amboy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN