Alden Richards and Maine Mendoza go on a tea date without cameras

After their seventh monthsary celebration yesterday, February 16, Maine Mendoza and Alden Richards went to a coffee shop in Shangri-La Mall without chaperones or personal assistants.


Tinotoo ni Alden Richards ang imbitasyon niya kay Maine Mendoza sa selebrasyon ng kanilang seventh monthsary sa Eat Bulaga! nitong Martes, February 16.

Sabi ni Alden kay Maine: “Sabi mo kanina gusto mo pumunta sa coffee shop. Halika, punta tayo coffee shop. Let’s go. Ready na yung sasasakyan ko.”

Pagkatapos ng Eat Bulaga! ay kumalat sa social media ang ilang larawan nina Alden at Maine, na kuha ng ilang netizens, habang nasa loob sila ng isang coffee shop.

Napag-alamang kuha ang nasabing mga larawan sa TWG Tea sa Shangri-La Mall Plaza, sa Mandaluyong City.

Walang ibang kasama sina Alden at Maine na tila seryosong nag-uusap.

Ikinuwento rin ng isa pang netizen na nagngangalang si Eian Rances ang pagkakakita niya kina Alden at Maine, na kalaunan ay sinamahan ng TAPE executive na si Tony Tuviera at ang creative director ng Eat Bulaga! na si Jenny Ferre.

Nagpa-picture pa si Eian kina Maine at Alden pagbaba ng mga ito sa escalator, at ipinost pa niya ito sa Instagram.

Base sa caption ni Eian sa kanyang IG post, napag-alamang siya pala ay isa ring talent ng GMA Network na napapanood sa late-night show na Walang Tulugan With The Master Showman.

Isa rin daw siya sa naging host ng huling Walk of Fame, kung saan isa si Maine sa mga binigyang ng kanyang star.

I've been hoping for this since July 16, 2015. Haha Alam niyo yan! We were having lunch (late lunch) at Shang Wing. Yung halos wala talagang tao na part ng mall. Kami lang din yung kumakain dun sa Resto. While waiting for our order, a couple going down the escalator across our table caught my attention. I was like "Sandali, parang familiar." Hahaha Hanggang sa ayun na, adrenaline rush. I've watched Tamang Panahon sa Philippine Arena together with my sibs, got VVIP tickets (Thanks to Tatay Germs 'coz he immediately called Mr. Tuviera for the ticks) but of course hindi na ako/kami nag expect ng picture in that event. And then, nakasama ko ulit si Meng nung Walk of Fame because I am one of the hosts nun pero unfortunately, bigo si kuya, no photo pa din kasi kagulo na agad. And finally! Like all couples behave, I respect their privacy so I will leave it to your imagination. Nakakatuwa lang na kung ano yung napapanuod ko sa tv e nakita ko ng live na walang camera crew and script. I felt the genuiness of their actions. Gusto ko lang i-share yung experience to spread good vibes and love. Kung nabababawan ka, idc. Hehe Nothing but good vibes hey! Thanks for being nice @MaineDCM and @AldenRichards02. Hope to work with the both of you soon! God bless!

A photo posted by Eian Rances (@eianrances) on

Samantala, sa episode ng Eat Bulaga! ngayong Miyerkules, kinumusta ni Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden ang “date” nila ni Maine kahapon.

Sabi ng Pambansang Bae, marami silang napag-usapan at naliwanagan ang ilang mga bagay-bagay sa kanilang dalawa.

Nagpapasalamat din si Alden sa oportunidad na makapag-usap at makalabas sila ni Maine nang walang kamera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN