Kim Chiu on Xian Lim: "Isa siya sa pinaka-patient na taong nakilala ko."

Kim Chiu is all praises for her on- and off-screen partner Xian Lim. She says, "Hindi kasi nila nakikita yung dramatic side ni Xian. Ngayon na lang nila mapapanood yun... tomodo siya... give niya talaga lahat para sa soap na ito."


Muling pinanindigan ni Xian Lim na wala pang label ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Kim Chiu, pero inamin nitong mahal na mahal niya ang kapareha.

Ano ang masasabi ni Kim dito?

Pabirong sagot niya, “Siyempre, ano, kahit nagpagupit na ako, mahaba pa rin ang hair ko!”

Pero seryoso niyang dagdag, “I’m very thankful na meron pang lalaki na katulad niya na sobrang patient, sobrang consistent.

“Parang hindi siya napapagod na tao, hindi siya lumilingon sa iba na, 'Ano ba ito, nakakapagod naman itong si Kim, ang arte-arte.'

“Hindi siya ganun… true to his words siya na parang nagulat na meron pa palang ganito na klase na tao.

“So I'm very thankful, and then, yun, isa siya sa pinaka-patient na taong nakilala ko.

“So, bilang babae, mas gusto mong merong ganun.

“So, maraming-maraming salamat, Xian.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa presscon ng teleseryeng The Story of Us, na ginanap noong Lunes ng gabi, February 15.

HAPPY FOR XIAN. Natutuwa raw si Kim sa magandang nangyayari ngayon sa career ng lalaking pinakamalapit sa kanyang puso sa ngayon.

“Siyempre sobrang naha-happy ako sa kanya, sobrang napa-proud.

“Lalo na sa mga ginawa niya para sa seryeng ito.

“Sobrang dami niyang ginawa—nagpa-abs siya, nagpa-tan siya, ang dami niya talagang...

“As in give niya talaga lahat para sa soap na ito.

“Ginulat nga niya ako sa Everything About Her, ang galing niya talaga dun.

“Dito sa serye, ibang klase siya, pero hindi ko siya ibinebenta, ha, mukha kasing ibinebenta ko na siya.”

Isa raw sa aabangan sa The Story of Us ay ang kanilang love scene.

Ibinigay rin ba niya ang lahat para sa unang love scene nila bilang love team?

Natatawang sabi ni Kim, “Sobra naman na sa love scene talaga, hindi ba puwede sa acting din?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, ito nga kasi ang serye namin na kami lang talaga.

“Siyempre, kailangang ibigay namin yung pinaka-best namin.

“Sobrang saya kami sa script, sa materyal, kapag ibinigay sa amin, binabasa namin kaagad-agad.

“Kami nai-excite at sana ang viewers ay ganun din ang feelings nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN