Ash Ortega denies rumor linking her to Juancho Trivino

Ash Ortega sees her part in the now daily show Wowowin as neither here nor there: "Pinapakilala lang kami ni Kuya Will as guest host, hindi kami yung co-host niya talaga. Siguro hindi naman kami naalis... pero ayun, sa ngayon hindi pa kami sinasabihan."


Ikinagulat ni Ash Ortega ang kumakalat na balitang break n sila ng Kapuso actor at Little Nanay star mainstay na si Juancho Trivino.

“Sino nagsabi? Hindi naman po kami,” at tumawa si Ash.

“Hindi po naging kami, magkaibigan  po kami.

Hindi raw sila magkasama noong Valentine’s Day.

“May trabaho po ako kahapon, nasa EK [Enchanted Kingdom] po ako, may dating game.”

Wala rin daw silang regalo ni Juancho sa bawat isa noong Araw ng mga Puso, so
break na nga sila ng binata.

“Hindi, hindi naging kami, Magkaibigan lang kami,” diin pa niya.

Ayon pa kay Ash, ang pamilya ni Juancho ang kasama ng binata noong Valentine’s Day.

Bakit napapabalitang break na sila?

“Sinong nagsabi,” at tumawa ang dalaga.

“Hindi nga po naging kami.”

Kailan sila huling nagkita?

“Kailan ba?” at nag-isip muna si Ash.

“Sa GMA yata kami huling nagkita.

“Tagal na nun, nung magpa-Pasko yata siya dumalaw.

“Pero binisita rin niya sina Direk Neal,” pagtukoy ni Ash sa Wish I May director na si Neal del Rosario, pagpapatunay na hindi lang naman siya ang dinadalaw ni Juancho sa set.

Noong Pasko ay mamahalin ang mga regalo nila sa bawat isa, ngayong Valentine ay wala ni isa?

“Siguro pag nagkita kami.

"Well, hindi naman kami humihingi ng gift sa isa’t isa, kasi nga magkaibigan lang kami,” muling giit ni Ash.

Nag-textan naman daw sila ng Valentine greeting sa isa’t isa, “Magkaibigan naman kami, maayos kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ash sa taping ng Wish I May noong Lunes, February 15, sa Quezon Memorial Circle.

Gumaganap siya rito bilang si Eunice na kontrabida kina Carina (Bianca Umali) at Tristan (Miguel Tanfelix).


WOWOWIN.  Samantala, daily nang napapanood ang Wowowin ni Willie Revillame sa GMA 7.

Dati ay isa sa mga regular co-hosts sa show si Ash. Kasama pa rin ba siya dito?

“Actually, nung nandun kami, pinapakilala lang kami ni Kuya Will as guest host, hindi kami yung co-host niya talaga.

“Ang sa daily pa lang is yung mga dancers niya tapos yung dalawang hosts niya.

“Parang pino-focus muna ni Kuya Will na more on siya lang yung main host.

“Actually, nung nandun kami, sinabihan kami ni Kuya Will na, ‘Uy magde-daily na,’ ganyan.

“Sabi naman niya from time to time ige-guest niya kami ’tsaka ini-invite niya din kami pag may mga events, katulad nung birthday niya.

“Hindi ako nakapunta nung birthday niya kasi nagte-taping kami ng Wish I May, e.

“Siguro hindi naman kami naalis, siguro nga from time to time, pero ayun, sa ngayon hindi pa kami sinasabihan.”

Kahit raw ang iba niyang kapwa Kapuso actresses tulad nina Gabbi Garcia, Jazz Ocampo, at ang Wish I May co-star ni Ash na si Bianca Umali na nagge-guest host sa Wowowin ay hindi pa rin tinatawagan para muling mag-host.


 
 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN