Floyd Mayweather Jr., other international celebs condemn Manny Pacquiao's view on same-sex marriage

Kahit na humingi na ng paumanhin si Manny Pacquiao, hindi pa rin humuhupa ang galit ng marami laban kay Manny Pacquiao dahil sa nabitawan nitong pahayag tungkol sa same-sex marriage. Pati international personalities ay nagbigay na rin ng kanilang opinyon tungkol dito.

 


Patuloy pa ring pinanindigan ni Manny Pacquiao ang kanyang naunang pahayag sa pagtutol niya sa same-sex marriage.

Humingi na siya ng paumanhin sa kanyang statement ngunit hindi pa rin humuhupa ang naramdamang sama ng loob ng mga taong tinamaan dito, partikular na ang LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community.

Read: Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage

Bukod sa local celebrities na nauna ng naghayag ng kanilang galit laban sa Pinoy boxing champ, kinuyog na rin si Manny ng batikos mula sa iba’t ibang personalidad sa larangan ng sports, entertainment, at pulitika sa ibang bansa.

Kilalang-kilala kasi si Manny sa buong mundo dahil sa kanyang pagiging world-class boxer.

Kabilang sa nagbigay ng opinyon ay ang mahigpit na katunggali ni Manny sa boxing na si Floyd Mayweather Jr.

Sabi ni Mayweather sa panayam nito sa TMZ Sports: “I feel like we should stay positive and we should let people live their lives the way they want to live their lives. To each his own.”

Ayon naman sa tweet ni Jason Collins, isang retired NBA player at isa ring miyembro ng LGBT, nawalan ma siya ng respeto kay Manny.

Sabi niya: @mannypacquiao I lost all respect for you. Bigoted people like you (& yes you are one) should never hold an office in politics. #ByeFelicia."

Ang football stars na sina Joseph Barton at Lianne Sanderson ay naghayag din ng kanilang pagkainis sa mga tinuran ni Manny, sa pamamagitan ng Twitter.

Barton: “Pacquiao is a huge global star who transcended his sport. He is politically motivated to help less privileged people. His comments are absurd and show a lack of intellect. Someone in his position should keep his ignorant bigotry private. His source of knowledge?”

Sanderson: “People are entitled to their opinions but @mannypacquiao you just lost a few fans, I would say. Its a disgrace what you said. #ignorant.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa dating Prime Minister ng Australia na si Kevin Rudd: “Homophobia not acceptable Manny. @mannypacquiao People don't just choose their sexuality like a suit of clothes."

Sabi naman ng Hollywood actor na si Frank Grillo (The Grey, The Purge: Anarchy fame): “I'm officially no longer a @mannypacquiao fan. The level of ignorance and hate is beyond tolerable.”

SORRY FOR THE COMPARISON. Sa panayam niya sa DZMM Teleradyo ngayong hapon, February 17, hindi pa rin binawi ni Pacquiao ang kanyang sinabi.

Pero inamin niyang nagkamali siya sa pagkumpara niya sa tao sa hayop.

Narito ang sunud-sunod na pahayag ni Manny:

“Inaamin ko na may pagkakamali ako, humihingi ako ng paumanhin sa pagkumpara sa tao sa hayop.

“Pero sinasabi ko, totoo, galing sa Bible.

“Ito ang opinyon ko. Hindi ko kinokondena ang LGBT, ang sinasabi ko lang ang gagawing karumal-dumal na gagawin in the sight of God

“Suportado ako ng mga LGBT dito sa amin, alam nila ugali ko. Ang sinasabi ko lang, paggawa against God.

“Sana maintindihan nila kung nasaktan ko man sila pero di ko sinabi na binago ko desisyon ko. Mananatili desisyon, kalooban ko.

“Marami akong LGBT scholars, more than hundreds. Di ko sila kinokondena. Yung act ang ayaw na ayaw ko.

“Ayaw ko na hinuhusgahan ang mga tao, anuman ang status mo. Sana maintindihan nila, yung pagtatalik ang ayaw ko.

“'Yung pagsasama, pagtatalik ng parehong kasarian, iyan ay detestable in God's eyes. That's what happened sa Sodom and Gomorrah.

“Ang words ko na karumal-dumal, hindi galing sa akin 'yan, galing 'yan sa Bible.

“Ang pagkakamali ko na wala sa Bible, pagkumpara ng tao sa hayop. Pero yung karumal-dumal, biblical po 'yan.

“Hindi kita hinuhusgahan. Ang dalawa kong pamangkin, bakla. Hindi ko sila hinuhusgahan. But I believe God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN