Manny Pacquiao hosts dinner for gay supporters

Although he already apologized for his statement about same-sex marriage, Manny Pacquiao reiterates that he stands by his belief. "Ganun pa rin, walang pagbabago. Nakasulat at kautusan ng Panginoon 'yan."


Inimbitahan ni Manny Pacquiao ang ilang miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community sa isang dinner kagabi, Martes, February 16.

Bago ang dinner, ipinag-cheer pa ng mga nasabing miyembro ng LGBT si Manny sa basketball practice ng Pambansang Kamao, kasama ang kanyang team, sa General Santos City kahapon.

Kabilang ang limang gays sa 60 supporters ng Manny Pacquiao National Basketball League na inimbitahan ng Pinoy boxing champ para makasabay niya sa hapunan.

Sa ulat ng Bandila, ipinagkibit-balikat lang daw ng naanyayahang gays ang naging pahayag ni Manny na mas masahol pa sa hayop ang pagpatol sa parehong kasarian. 

Niirerespeto raw nila ang opinyon ng boxer-politician, at pinatatawad din nila ito dahil humingi naman ito ng paumanhin.

Read: Manny Pacquiao apologizes but stands by his belief about same-sex marriage

Ayon sa gay supporters ni Manny, mas kilala nila ang pagkatao ng Sarangani representative.

Inulit din ni Manny ang paghingi niya ng paumanhin sa mga nainsulto sa kanyang pahayag.

“Yung mga nasaktan sa pagkumpara ko sa tao sa hayop, pasensiya na po, humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat,” pahayag niya.

Gayunpaman, pinaninindigan ni Manny ang kanyang paniniwala na hindi tama ang same-sex marriage.

“Aking statement, decision na against ako sa same-sex marriage, ganun pa rin, walang pagbabago. Nakasulat at kautusan ng Panginoon ‘yan.”

Pero handa raw ipakita ni Manny ang pagsuporta niya sa LGBT community, gaya ng kanyang pagtulong sa ibang kababayan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN