Vice Ganda gets backlash for criticizing Manny Pacquiao

An excerpt from a netizen's open letter to Vice Ganda: "Now let's see the bigger picture here, I, myself is Pro LGBT. I know Manny made a mistake but who do you think is the real person here? You criticizing others while all of your jokes are below the belt?"


“This is not about me… Don’t divert the issue.”

Ito ang pahayag ni Vice Ganda matapos siyang umani ng pambabatikos dahil sa kanyang pagkondena sa posisyon ni Manny Pacquiao tungkol sa same-sex marriage.

Kaugnay ito ng pagkuwestiyon ng ilang netizens sa madalas na “below-the-belt” punchlines ni Vice, mapa-TV show o big venue concert.

Isang open letter na kumalat sa social media ang nag-ungkat sa ginawang pangungutya umano ni Vice laban sa GMA news anchor at broadcast journalist na si Jessica Soho noong 2013.

Sabi ng may-akda na si C.N. Sato: “Vice Ganda do you remember when you compared Ms. Jessica Soho to a pig?”

Patuloy niya, “You offended many plus-sized people.

“Ms. Soho responded in a very professional way by releasing a statement addressing the issue.

“Nag-sorry ka but in a way na hinihingi mo ang sympathy ng mga tao.”

Ayon pa sa may akda ng open letter, kung tutuusin ay wala umanong pinagkaiba ang mga binitiwang salita ni Manny sa kung paano ginawang katatawan ni Vice si Jessica, sa pamamagitan ng pagpuna sa pisikal na anyo nito.

“Now Manny Pacquiao made a statement saying LGBTs are worst than animal.

“You were offended, maraming tao ang nasaktan.

“You started the hashtag #‎PrayForMannyPacquiao and told everyone to not vote him.

“Manny apologizes for the words he uses pero pinanindigan pa din ang pinapaniwalaan niya.”

Dagdag pa ng nagsulat ng liham kay Vice, “Now let's see the bigger picture here, I, myself is Pro LGBT.

“I know Manny made a mistake but who do you think is the real person here?

“You criticizing others while all of your jokes are below the belt?”

Vice Ganda do you remember when you compared Ms.Jessica Soho to a pig? You offended many plus-size people. Ms.Soho...

Posted by Pepeng Pinakamalupet on Tuesday, February 16, 2016

Mayroon ding netizen na kinuwestiyon ang panlalait umano noon ni Vice kay Manny.

Sabi ng isang netizen na may handle name na @lanahunty: “@vicegandako remember when you used to make fun of Manny on your fart jokes? Comparing him to different kinds of animals, degrading him?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VICE GANDA SLAMS BASHERS. Base sa latest tweets ni Vice ngayong araw, February 17, malinaw na nakarating sa comedian-TV host ang tungkol sa pagkuwestiyon ng netizens sa kanyang pagkondena kay Manny.

Ngunit nanindigan ang Kapamilya star na mas malaki ang responsibilidad ni Manny na maging maingat sa kanyang pananalita dahil sa trabaho nito bilang tagapaglingkod sa bayan.

Paliwanag ni Vice, “A joke of a comedian is different from a statement of a 'politician.'

“So why take a joke seriously and take a serious statement as a joke?”

Paalala pa ng It's Showtime host, “I am not the issue. This is not about me.

"It is about a serious remark that affects the entire LGBT community.

“Don't divert the issue.”

Bukod dito ay nagbigay rin ng pahayag si Vice laban sa ilang netizens na dinepensahan ang posisyon ni Manny tungkol sa same-sex marriage, na naaayon umano sa nakasulat sa Bibliya.

Buwelta ni Vice, “Work muna ko ulit. Pero bago ko magwork may tanong ako.

“Sino dito ang sumusunod sa LAHAT ng sinasabi ng Bibliya? Taas ang kamay.

“Ok Bye!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN