Nike cuts ties with Manny Pacquiao after "abhorrent comments" toward gays

International sportswear company Nike has terminated its deal with Filipino boxing champ Manny Pacquiao after his derogatory comments towards homosexuals. Nike says in a statement: "We find Manny Pacquiao's comments abhorrent. Nike strongly opposes discrimination of any kind and has a long history of supporting and standing up for the rights of the LGBT community."


Tinapos na ng international sportswear company na Nike ang kanilang ugnayan sa Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao dahil sa naging pahayag nito laban sa mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexuals, transgender) community.

Sa isang interview na lumabas sa TV5, kinuha ang opinyon ni Pacquiao, na tumatakbong senador ngayong 2016 elections, tungkol sa same-sex marriage.

Sagot ng Pambansang Kamao: “Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki, lalaki, o babae, babae. Kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao.”

Nagpahayag ng galit ang maraming netizens at mga miyembro ng LGBT, kabilang na ang ilang local celebrities, dahil sa tinuran na ito ni Pacquiao.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang 37-year-old Pinoy boxer, ngunit pinanindigan pa rin niya ang kanyang naunang pahayag dahil ito raw ay base sa Bibliya.

Dahil na rin sa kapangyarihan ng social media, nakaabot sa international press ang ‘homophobic’ statement na ito ni Pacquiao.

Kaugnay ng isyung ito, nagkaroon din ng online petition na tanggalin ng Nike si Pacquiao bilang endorser nito.

Pagkatapos ng ilang oras mula nang pumutok ang kontrobersiya, pinagbigyan ng Nike ang clamor ng publiko at pinutol na nila ang kanilang ugnayan sa Pinoy boxing champ.

Pahayag ng Nike sa inilabas nilang statement:

“We find Manny Pacquiao’s comments abhorrent.

“Nike strongly opposes discrimination of any kind and has a long history of supporting and standing up for the rights of the LGBT community.

“We no longer have a relationship with Manny Pacquiao.”

Si Pacquiao ay naging endorser ng Nike mula pa noong 2006.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN