Rosanna Roces to marry her lesbian lover

Rosanna Roces tells Boy Abunda on how she found her match: "Alam mo rin kung paano ako magpalit ng lalaki noon, parang nagpapalit lang ng damit. Parang lahat is an experiment. Pero yun nga, tapos na, wala akong natututunan, di ba? Wala, parang may something is missing. So, yun, nakita ko na yung something missing."


Inanunsiyo ng aktres na si Rosanna Roces na magpapakasal siya sa isang lesbian.

Sa live interview ni Rosanna sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, February 17, inamin nitong mayroon siyang love life ngayon.

Paglalarawan ng 43-year-old actress sa kanyang love life: “Kakaiba, pero I found my match.”

Kuwento pa ni Rosanna kay Boy, “Siguro naman naikukuwento ko naman lahat sa ‘yo.

“Alam mo rin kung paano ako magpalit ng lalaki noon, parang nagpapalit lang ng damit. Parang lahat is an experiment.

“Pero yun nga, tapos na, wala akong natututunan, di ba?

“Wala, parang may something is missing.

“So, yun, nakita ko na yung something missing.”

FINALLY FOUND THE ONE. Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Rosanna kung paano niya nahanap ang “something missing” na tinutukoy niya.

“When I was 15, meron akong ka-on. Babae siya, di ba?”

Nang mag-react ang mga tao sa audience dahil sa sinabi niya, sambit ni Rosanna, “Yes, bakit?”

Patuloy niyang kuwento, “Kasama ko siya sa bahay with my father, my mother...

“Si Grace, yung anak kong panganay, ang totoo niyan, ginawa ko si Grace para maging anak namin [ng ka-on niyang lesbian].

“So, nagsama kami... yung tiyan ko nung five months, akala niya mahal ko yung tatay ni Grace, which is not.

“Kasi ginamit lang talaga siya para magkaroon ng baby na palalakihin namin.

“So, naghiwalay kami.

“And after nun, wala na akong seryosong relasyon o kahit dun sa naging esposo ko.

“Parang may kulang, e. Alam kong hindi ito.”

Ayon kay Rosanna, pagkatapos ng 27 taon ay nagkita silang muli ng lesbian na hindi niya pinangalanan.

Pagbabalita pa niya, “Saka pakakasal kami.”

Nang pansinin ni Boy na mukha talaga siyang masaya, sabi ni Rosanna, “I am. Obvious ba? Makikita naman sa outlook.”

Dagdag pa niya, “Plus lahat ng mali ko sa buhay, naitama ko, including yung pagsisigarilyo ko na di ko mawala, walang ka-effort-effort, nawala. Alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag pala itinatama mo yung buhay mo, lahat ng mga bisyo mo na hindi mo gusto na nandiyan, kusang mawawala... siyempre with the help of the Lord din.

“Kaya nga sabi ko, God hates the sin, not the sinner.”

HER KIDS. Kinumusta rin ni Boy kay Rosanna ang relasyon niya sa kanyang mga anak na sina Grace at Onyok.

Matatandaang naisapubliko na ang naging away ni Rosanna sa kanyang mga anak, partikular na kay Onyok na umabot pa sa pisikalan.

Read: Rosanna Roces on feud with son Onyok: “Buti pa nga pinatay mo na lang ako, o sana sinagasaaan ako ng pison, kinidlatan ako o mahulog ako...”

Sagot ng aktres, “We’re very okay. Alam mo naman sa showbiz, minsan pati mga bata nagagamit...

“Ako naman, open naman yung buhay ko, e.

“Andiyan yung Facebook ko, kung ano ang nararamdaman ko, sasabihin ko, di ba? O kung ano ang problema.

“E, ngayon, mas okay yung relationship namin.

“Although hindi ko pa kinakausap yung bunso [Onyok], kasi hindi siya nagri-reach out.

“Pero in God’s time, darating din tayo diyan. Saka hindi lahat pinipilit.

“Lahat ‘yan darating sa oras na gusto Niya, hindi sa oras na gusto natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN