Mon Tulfo to gays: "Do not display your homosexuality like a badge of honor because it's not."

Broadcast journalist Mon Tulfo gives his two cents on same-sex marriage: "Our society still can't accept homosexuality as normal."


Nagbigay ng kanyang opinyon ang batikang broadcast journalist at commentator na si Ramon “Mon” Tulfo hinggil sa isyung kinasasangkutan ni boxing champ Manny “Pacman” Pacquiao, kung saan sinabi nito sa isang interview na mas “masahol pa sa hayop” ang pagpatol sa parehong kasarian.

Ani Tulfo, natatawa siya sa pagbatikos kay Manny dahil sa pagsasabi nito ng kanyang paniniwala.

“I said I was laughing not because I find his comment outrageous or hilarious—it’s not—but because he’s getting flak for speaking his mind,” sabi ni Tulfo sa column niyang “On Target” sa Philippine Daily Inquirer nitong Huwebes, February 18.

Ayon sa komentarista, para sa karamihan ng mga straight—babae man o lalaki—ang sex sa pagitan ng dalawang lalaki o parehong babae ay hindi katanggap-tanggap.

“But they are just too scared to speak their minds,” sabi ni Tulfo.

Saad pa niya, tanggap na ng publiko—na karamihan ay binubuo ng mga taong straight—ang mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) community.

Pero sundot niya, ang pagiging “tolerant” ng publiko ay hindi nangangahulugang pabor sila sa same-sex marriage o pagkakaroon ng public display of affection ng mga kasama sa third sex.

Punto pa ni Tulfo, “If most Filipinos are scandalized by straight couples kissing passionately in public, more so gay couples petting in public.

“They find the latter an abomination.”

Dapat daw ginagawa ang ganitong akto sa pribadong lugar.

“You cannot and should not impose your homosexual norms on a society which is still ‘primitive’ by your standards,” dahil hindi pa raw handa ang publiko sa mga ganitong scenario in public.

Mungkahi pa ni Tulfo sa mga miyembro ng LGBT community, hinggil sa di pagsang-ayon ng publiko sa same-sex marriage, “You should migrate to the United States and Europe where most states now allow same-sex marriage.

“Please do not display your homosexuality like a badge of honor because it’s not.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin niyang may party-list na ang LGBT community na pinamumunuan ni Danton Remoto, isang propesor sa Ateneo De Manila University.

Mahal daw ng publiko ang gays dahil “they’re happy and gay,” “make good entertainers and beauticians,” “many of them are talented and intelligent.”

Pero hindi pa raw nananalo sa kahit anong eleksyon ang LGBT party-list group.

“Why? Because our society still can’t accept homosexuality as normal, pardon my saying so.”

Dagdag pa ni Tulfo, marami siyang kaibigang gays at nirerespeto niya ang mga ito kagaya ng pagrespeto sa kanya.

“And we don’t talk about their sexuality,” panghuli niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN