Mommy Dionisia apologizes for Manny Pacquiao's gay slur

"Ako nang nanay humihingi ng paumanhin, kung anumang ilait niyo sa 'kin, tanggapin ko 'yan," says Mommy Dionisia Pacquiao about son Manny Pacquiao's controversial statement on same-sex marriage.


Huming ng paumanhin ang ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia Pacquiao dahil sa naging pahayag ng kanyang anak tungkol sa same-sex marriage.

Nakiusap din si Mommy D na itigil na ang pag-atake kay Manny dahil sa ginawa nitong pagkukumpara sa mga miyembro ng LGBT community sa hayop.

“Hindi man sinasadya ni Manny, sorry. Ako nang nanay humihingi ng paumanhin, kung anumang ilait niyo sa 'kin, tanggapin ko 'yan,” sabi ni Mommy D sa ulat ni Jay Dayupay ng ABS-CBN News.

Aminado rin si Mommy D na maaaring maapektuhan ng kontrobersiyang kinahaharap ngayon ni Manny ang kandidatura nito para sa pagkasenador.

Gayunman, importante raw na inamin ng kanyang anak ang pagkakamali nito at iwasan nang mangyari itong muli.

SUPPORT FROM LGBT GROUPS. Bagamat matindi ang naging reaksiyon ng LGBT community sa naging pahayag ni Pacquiao tungkol sa same-sex marriage, may ilang miyembro nito ang nirerespeto ang kanyang opinyon.

Katulad na lamang ni Cris Lopera, isang LGBT leader na naka-base sa General Santos City, ang hometown ni Pacquiao.

Para sa kanya, tatanggapin lamang niya ang paumanhin ni Manny kung susuportahan nito ang Anti-Discrimination Bill sa Kongreso pati na sa city council ng GenSan.

Sabi ni Lopera, na executive director ng SHINE Socsksargen: “The best way to say sorry is to do a concrete action, Congressman Manny Pacquiao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN