Xian Lim explains why he is hesitant to draw portrait of Kim Chiu

Bukod sa pag-arte, isa rin sa pinagkakaabalahan ni Xian Lim ay ang pagpipinta. Marami na raw siyang nagawang obra, pero ngayon lang siya nangahas na magbenta. Masaya naman ang Kapamilya actor dahil nabili agad ang dalawa niyang paintings sa ginaganap na Art Fair Philippines.


Lingid sa kaalaman ng marami, isa pa sa talento ng Kapamilya actor na si Xian Lim ay ang pagpipinta.

Sa katunayan, dalawa sa paintings niya ang nabenta agad sa kasalukuyang idinadaos na Art Fair Philippines.

Kailan ba nagsimula ang interes niya sa pagpipinta?

Ayon sa Kapamilya actor, “Back in high school po. Kasi mahilig na talaga ako mag-drawing kaya tuluy-tuloy na pagkatapos nun.”

Ang medium ni Xian sa pagpipinta ay oil at acrylic. Katulad na lamang ng isinali niya sa art fair.

("Suspension of Disbelief" acrylic on canvas painting by Xian Lim)

("Time Will Tell" oil on canvas painting by Xian Lim)

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xian sa unang araw ng Art Fair Philippines sa The Link Mall, Glorietta Complex, Makati City, kagabi, February 18.

PAINTING KIM? Kapag pumayag ang ka-love team ni Xian na si Kim Chiu na ipinta niya, okey lang din ba sa kanya?

Nakangiting tugon ni Xian, “Naku, baka sumablay ako!

“Kasi sa sobrang ganda niya, baka hindi mapantayan ng trabaho ko, e.

“Baka mamaya, mag-fail pa ako sa ginagawa ko. Hindi matapatan.”

Anong background ang gusto ni Xian kung sakaling pumayag si Kim na ipinta niya?

“Ano lang, plain lang. Para highlighted yung mukha niya.

“Kasi pag marami pang tsetse bureche... dapat ano lang, plain, para ma-highlight ang mukha ni Kim.”

RENAISSANCE. Karamihan daw sa mga ginagawang painting ni Xian ay Renaissance ang tema.

Masasabi ba niyang pampaalis-stress na rin ang pagpipinta?

Tugon ng The Story of Us star, “No, no. Hindi siya pampaalis-stress.

“It’s something that I love doing, something I’ve been doing and it’s a form of expression.”

Para sa kanya, ano ang mas madali—acting o painting?

Sagot ng 26-year-old actor, “A, wala naman, e, magkaibang mundo kasi siya.

“Kumbaga, magkaibang tools, magkaibang trabaho din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN