Marian Rivera denies rejecting TVC offers for Baby Zia

Marian Rivera on continuing with her showbiz career while being a mom: "Siyempre, gusto ko ang pagiging ina. Masarap ang pakiramdam ng pagiging ina. At siyempre, priority ko pa rin ang anak ko na mapalaki ko siya nang maayos. Pero at the same time, kailangan ko rin magtrabaho para sa future niya."


Nilinaw ni Marian Rivera ang balitang tinatanggihan daw nila ng mister niyang si Dingdong Dantes ang offers na lumabas ang anak si Maria Letizia sa TV commercials.

Pahayag ng Kapuso star, “Hindi naman sa ayaw ko, pero kasi, ayoko rin naman kasing gamitin ang term na nire-reject ko sila.

“Naliliitan pa ako sa anak ko. Baka puwedeng palakihin ko nang konti.”

Diin pa niya, “Open naman kami.”

Yung ginawa raw nilang TVC ni Dingdong para sa PNB, kasama raw sana si Zia.

“Sabi ko, ayoko!” natawang sabi ni Marian.

Mga isang taon pa raw siguro ang hihintayin nila bago sila pumayag na gumawa ng commercial ang anak.

NOT QUITTING SHOWBIZ. Kahit isa nang ganap na ina si Marian, hindi raw sumagi sa isip niyang tumigil na sa pag-aartista upang pagtuunan ng pansin ang lumalaki nang pamilya nila ni Dingdong.

Saad niya, “Siyempre, gusto ko ang pagiging ina. Masarap ang pakiramdam ng pagiging ina.

“At siyempre, priority ko pa rin ang anak ko na mapalaki ko siya nang maayos.

“Pero at the same time, kailangan ko rin magtrabaho para sa future niya.

“Marami kaming pangarap, e,” saad niya.

Natatawang inamin ni Marian na may pagka-praning at sobrang protective siya bilang nanay.

“Naku, oo yata, dyusko!” tawa niya.

“E, kasi, konting matuluan lang ng tubig, palit na naman.

“Konting di pa ano ang diaper, palit na naman.

“Baka masasanay din ako.”

Baka marami lang talaga siyang pampalit na diapers?

“Hindi ko alam!” tawa na naman ni Marian.

BABY ZIA. Masuwerte naman daw silang amg-asawa dahil napakabait ni Baby Zia at hindi sila pinupuyat sa gabi.

“Na-train ko kasi siya na hindi niya kailangang umiyak para bigyan ng dede.

“Na-train ko na gaganun lang siya, ump, ilalabas ko na siya.”

Ang tinutukoy ni Marian ay ang pagbi-breastfeeding niya sa anak. 

Hanggang kailan kaya niya ito gagawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang kaya ko, hanggang may lumalabas,” sagot niya.

Katabi rin daw nilang matulog si Baby Zia.

Katuwiran ni Marian, “E, sabi nila, huwag itabi, baka madaganan.

“E, ako yung tipo ng nanay na konting kislot lang, nagigising.

“So, pag-ano, hindi siya umiiyak.

“At hanggang sarado ang kurtina namin, hindi siya gigising.

“Pero once na in-open ko yun, ibig sabihin kailangan na niyang gumising kasi umaga na.”

DADDY DINGDONG. Kumusta naman si Dingdong bilang tatay?

“Nakakatuwa,” sambit ni Marian.

“Noong una, noong sobrang sanggol na sanggol [si Baby Zia], hindi ko mahawakan.

“Sabi ko, ‘Dad, anak mo ‘yan, kaya mo ‘yan.’

“Hanggang sa masanay na siya. Kaming dalawa ang nagpapaligo.

“Siyempre, may trabaho rin si Dong, may mga ginagawa siya, pero gusto niya, nandoon kaming dalawa for Zia.”

Natawa si Marian dahil ang bilis ng sagot niya nang tanungin ng PEP kung napag-uusapan na rin ba nila ni Dingdong kung ilan ang gusto nilang maging kapatid ni Zia.

“Siguro gusto naming apat o lima…

“Taray ko! Nakaya kasi nang normal, e.”

Sabi pa niya, “Puwede naman anytime pero siyempre iniisip ko ang anak ko, kawawa, hindi ko maaalagaan.

“At saka siyempre, kapag nagbuntis ka, marami kang ite-take na gamot.

“Hindi ka naman puwedeng magpa-breastfeed, sayang naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN