Manny Pacquiao full statement on same-sex marriage goes viral

May kalakip na paliwanag ang deklarasyon ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao na "mas masahol pa sa hayop" ang pagpapakasal ng dalawang taong pareho ang kasarihan. Ito ang kumalat sa social media ngayong araw, February 19, kung saan sinabi ng Pinoy boxing champ na hindi niya kinukutya ang nagmamahalang may kaparehong kasarian kundi ang mga ginagawa lang nitong mga kasalanan sa harap ng Diyos.


Viral na ngayon sa social media ang one-minute full video clip ng sagot ni Manny Pacquiao sa tanong sa kanya kung pabor ba siya o hindi sa same-sex marriage.

Sa nasabing interview nanggaling ang kontrobersiyal na pahayag ni Pacquiao na ang pagpapakasal ng dalawang taong may parehong kasarian ay "mas masahol pa sa hayop."

Ito ang 30-second video clip na binatikos nang husto ng mga miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) at ng maraming netizens, at naging dahilan ng pagkakatanggal niya bilang endorser ng Nike.

February 16 lumabas ang naturang 30-second video clip.

Hindi nakasama sa nailabas na video clip ang paliwanag ni Manny tungkol sa kanyang naging sagot.

THE FULL ANSWER. Sa one-minute video na lumabas ngayong araw, February 19, may paliwanag si Manny tungkol sa kanyang sinabing “masahol pa sa hayop” ang same-sex marriage.

Tanong ng interviewer: Are you for or against same-sex marriage?

Ito ang buong kasagutan ng Pinoy boxing champ:

“As a Christian, bawal naman yung same-sex marriage.

“Ginawa ang babae para sa lalaki, ginawa ang lalaki para sa babae.

“Kasi para sa akin, ito lang o, common sense lang.

“Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae?

“Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumilala kung lalaki o lalaki, babae, babae, o di ba?

“Ngayon, kung lalaki sa lalaki o babae sa babae, e, mas masahol pa sa hayop ang tao, o di ba?

“Ang hayop lang… hindi puwedeng hindi talaga magsama ang lalaki sa lalaki.

“Pero I'm not condemning. I’m not condemning them.

“Yung marriage lang, committing sin against God.”

Manny P.

Eto ang tunay na clip! Gago din ang media eh!!!Panoorin nyu bago nyu ibash si Manny PacquiaoShare nyu nadin!#KupalLord#KupalCares#SiKupalAngMayAlamCTTO

Posted by Kupal Lord on Thursday, February 18, 2016

PEPsters, sa inyong pananaw, kung ang buong video clip na ito ang in-upload noon, mababatikos pa rin kaya nang husto si Manny?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN